DIY wedding: Designer to the stars Patricia Santos naging one-woman glam team sa sariling kasal

Screenshot mula sa vlog ni Patricia Santos
  • Ibinahagi ng fashion designer na si Patricia Santos ang kanyang “DIY wedding in a small backyard” sa isang vlog
  • Ginawa ni Patricia ang vlog sa mismong araw ng kanilang kasal ng partner na si Lester Yao
  • Si Moira Dela Torre, kasama ang asawang si Jason Marvin, ang wedding singer

Marami na siyang nasaksihang mga kasalan at ilang daan na rin ang nagawa niyang wedding gowns. Sa wakas, siya naman ang ikakasal.

Screenshot mula sa vlog ni Patricia Santos

Sa isang vlog sa araw mismo ng kanyang kasal ay ibinahagi ng designer to the stars na si Patricia Santos ang “DIY (do-it-yourself) wedding in a small backyard” nila ng partner na si Lester Yao. Aniya, siya lang ang nag-ayos sa sarili …make-up, buhok, pati na ang wedding gown niya ay siya na rin ang gumawa.

“So today guys I am the bride slash coordinator, slash assistant, slash makeup artist, slash my own hairstylist, slash designer,” sabi ni Patricia sa vlog ilang oras na lang bago ang aktwal na kasalan.

Siya na rin daw ang tumatayong wedding coordinator.

Ang dahilan niya ay para malimitahan ang mga taong magpupunta sa wedding venue bilang pag-iingat dahil sa pandemic. Sabi niya, ang lahat ng mga bisita ay sumailalim sa swab test at sumunod sa mga health protocols.

Intimate lang ang civil wedding na dinaluhan lang ng kanilang mga kaanak.

Screenshot mula sa vlog ni Patricia Santos

Ibinunyag pa ni Patricia na noong araw lang na iyon magkikita ang parents niya at parents ni Lester. Biro niya, parang pamanhikan na diretso kasalan na ang nangyari.

Ang mag-asawang si Jason Marvin at Moira Dela Torre ang nagsilbing wedding singers na nag-perform habang naglalakad si Patricia palapit sa kanyang groom. Matatandaang si Patricia ang gumawa ng magandang wedding gown ng singer.

Screenshot mula sa vlog ni Patricia Santos

Kahit maliit lang ang venue at hindi church wedding ang nangyari ay hindi naman daw nakompromiso ang ganda ng kanilang kasal.

Loading…