DOH kinumpirmang may ‘local transmission’ ng B117 COVID variant sa Bontoc

Imahe mula sa USF Health News
  • Kinumpirma ng DOH na mayroong local transmission ng UK variant sa Bontoc
  • Subalit wala pa umanong ebidensiya na may naganap na community transmission
  • Binago rin ng DOH ang naunang pahayag tungkol sa ‘index case’ at hinahanap na ang posibleng unang source

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nagkaroon ng local transmission ng UK variant ng COVID-19 sa ilang residenteng apektado sa Bontoc, Mountain Province.

“The Department of Health confirms local transmission in Bontoc of the B.1.1.7 variant of SARS-CoV-2 as identified through genomic sequencing,” anang DOH sa isang pahayag nitong Lunes.

Bontoc, Mt. Province kung saan na-detect ang 12 kaso ng UK variant| Imahe mula sa Wikipedia

Sa 17 na pasyenteng kumpirmadong may bagong variant — 12 sa mga ito ay taga-Bontoc, at tig-iisa sa La Trinidad, Benguet; Calamba, Laguna; Binangonan, Rizal; Iloilo at ang pinakaunang kaso na residente ng Quezon City.

“To date, all identified cases with the UK variant can be epidemiologically linked to cases coming directly from outside the country (importation) or from specific cases or exposures that can still be identified (local transmission),” dagdag nga ahensiya.

Iginiit muli ng DOH na wala pang nangyayaring ‘community transmission’ ng B.1.1.7 variant base sa criteria na inilatag ng World Health Organization (WHO).

Backward tracing para sa ‘di pa kilalang source

Binago rin ng DOH ang nauna nitong pahayag na ang ‘index case’ ng UK variant sa bansa ay ang lalaking ROF (returning overseas Filipino) na dumating sa bansa noong Disyembre 13.

Ang naturang lalaki, bagama’t nagpositibo sa COVID-19, ay negatibo naman sa bagong variant. Ang kaniyang asawa, na kasama niyang pumunta sa Bontoc, ay negatibo rin umano sa COVID.

Samantala, 46 katao naman na nakasalamuha nila matapos dumalo sa isang ritwal ay nagpositibo rin sa COVID 19. Ang 12 sa 46 na ito ay nagpositibo sa bagong variant ng COVID habang 28 pa ang naghihintay ng resulta ng genome sequencing.

Imahe mula sa Pixabay

Ang cluster case sa Barangay Samuki, na mayroong 11 katao na infected, ay unang napaulat na nagsimula sa nasabing lalaking ROF.

“The Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) and local government unit are currently backward tracing exposures and travel histories of cases to identify other possible source/s of infection,” paliwanag ng DOH.

Sa ngayon, kinakausap na ng RESU ang iba pang ROFs na dumating sa Bontoc at ang contact tracing na isinasagawa ay pinalawig na rin hanggang ‘third generation’.

Loading…