DOH nagpaalala sa LGUs na national government lang ang maaaring bumili ng COVID-19 na may EUA

Imahe mula sa Freepik
  • Nagbigay ng paalala ang DOH sa mga LGUs hinggil sa pagbili ng COVID-19 vaccines
  • Sinabi ng DOH na tanging ang national government lang ang maaaring bumili ng COVID-19 vaccines na naisyuhan ng EUA
  • Hindi pa raw mailalabas sa merkado na mga bakuna hangga’t wala pang Certificate of Product Registration mula sa FDA
  • Wala pang COVID-19 vaccines na mabibigyan ng CPR dahil ang lahat ng mga ito ay nasa development stage pa lang

May ilang local government units (LGUs) na ang nagpahayag ng kanilang planong bumili ng COVID-19 vaccine para sa kani-kanilang mass vaccination program para sa mga nasasakupan nila. Kabilang na rito ang Lungsod ng Maynila at Makati City.

Imahe mula sa Pixabay

Dahil dito ay nagbigay ng isang paalala ang Department of Health (DOH) sa mga LGUs at hinihikayat ang mga ito na makipagtulungan sa national government hinggil sa pagbili ng COVID-19 vaccines.

Ipinaliwanag ni Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na wala pang mabibiling COVID-19 vaccines sa merkado hangga’t hindi pa ito nabibigyan ng Certificate of Product Registration (CPR) mula sa FDA.

Ang mga COVID-19 vaccines na ginagawa ngayon ay pawang nasa development stage pa lang at ang maaari lang maibigay ng FDA sa mga manufacturers o developers ng vaccines ay ang Emergancy Use Authorization (EUA).

“Iyong EUA na ibibigay ng FDA, ang puwede pa lang bumili niyan ang national government kasi nagiging available lang ang isang produkto sa market kapag meron na siyang certificate of product registration galing sa FDA,” ani Usec. Vergeire.

Screenshot mula sa Inquirer video

“Hindi pa maibibigay ang CPR kasi technically, hindi pa tapos ang clinical trials. Nasa Phase 3 trials pa lang, although may exemption nga ngayon dahil mayroon tayong public health emergency,” dagdag pa ng DOH official.

Hinihikayat niya ang mga LGUs na makipagtulungan sa national government at pagsamahin na lang ang kanilang mga pondo para sa pagbili ng mga bakuna at para sa mas maayos na distribusyon ng mga ito.

“Pinag-uusapan na ito sa IATF. We are calling on local governments to work with us so we can pool funds for procurement of effective vaccines. Kinakausap na po natin ang local government units para hindi po magkaroon ng technicalities and we can monitor it as well,” wika ni Usec. Vergiere.

Imahe mula sa Pexels

Sa ngayon ang American company na Pfizer pa lang ang nag-apply ng EUA sa Pilipinas para sa na-develop nitong COVID-19 vaccine.

May plano na ring mag-apply ng EUA sa FDA ang Chinese firms na Sinopharm at Sinovac.

Loading…