DOH pinag-aaralang gawing taga-turok ng COVID-19 vaccine ang mga pharmacist at midwife

Screenshot mula sa PTV video
  • Pinag-aaralan ng DOH na gawing vaccinator ang mga pharmacist at midwife
  • Kinuwestyon ni Sen. Gordon ang kapabilidad ng DOH na mabakunahan ang milyun-milyong Pilipino dahil sa kakulangan nito ng medical workers
  • Iminungkahi ng senador na mag-train ng maraming vaccinators ang DOH kahit walang medical background

Sinabi ng Department of Health (DOH) na pinag-aaralan nito ang posibilidad na gawing taga-turok ng COVID-19 vaccine ang mga pharmacist at midwife.

Imahe mula sa The Economic Times

Sa isang usapan hinggil sa COVID-19 vaccination plan ng pamahalaan, sinabi ni DOH Undersecretary Dr. Myrna Caboataje na sa ngayon ay tanging mga doktor at nurses ang pinapayagang magturok ng bakuna kontra sa COVID-19.

“We are also looking at the pharmacists, pinag-uusapan din namin ‘yan ni Food and Drug Administration director-general Eric Domingo, because the pharmacy law allows the pharmacist to do vaccination, so inaaral natin ‘yan,” ani Usec. Cabotaje.

Posible rin daw na payagan ang mga midwife na mag-administer ng vaccine basta may doktor na kasama sa vaccination site.

“They are all under the supervision of a physician. So ang importante po d’yan ang may doctor na present in the vaccination site,” aniya.

Imahe mula sa Freepik

Ipinahayag ni FDA director general Domingo na maglalabas ng guidelines ang DOH kung sino ang puwedeng magturok ng COVID-10 vaccine.

Samantala, kinuwestyon ni Senator Richard Gordon ang kapabilidad ng DOH na bakunahan ang milyun-milyong mga Pilipino dahil sa kakulangan nito ng medical workers.

Iminungkahi niyang magsanay ng maraming vaccinators ang DOH kabilang ang mga dentista, medical beterinaryo, medical technologist at kahit ang iba na walang medical background. Agad namang sumang-ayon si DOH Secretary Franscisco Duque III sa proposal.

Imahe mula sa Senate of the Philippines

Sinab ing senador na maghahain siya ng panukalang batas na sa tuwing panahon na may kalamidad o kahit na raw walang krisis ay dapat mag-train ng maraming vaccinators ang bansa.

Loading…