DOH sisilipin ang napaulat na Pinoy traveller sa HK na nagpositibo sa bagong COVID variant

Imahe mula sa Science News
  • Iimbestigahan ng DOH ang napaulat na Pinoy traveller sa HK na may bagong variant ng COVID 
  • Nakikipag-ugnayan na umano ang ahensiya sa pamahalaan ng Hong Kong
  • Nitong Enero 2, inanunsiyo ng DOH na wala pa silang nade-detect na kaso ng bagong COVID variant sa bansa

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Health (DOH) sa gobyerno ng Hong Kong tungkol sa napaulat na Pinoy traveller na nagpositibo umano sa bagong variant ng COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Rosario Vergeire, humingi na sila ng kopya ng flight manifest ng eroplanong sinakyan ng nabanggit na Pinoy mula sa Pilipinas patungong Hong Kong noong Disyembre.

Dr. Chuang Shuk-kwan| Imahe mula sa Caixin Global

“We have initiated coordination with the IHR Focal Point of HK to request further details,” ani Vergeire.  “Also retrieving the flight manifest for the identified flight. We will be informing as soon as we get complete information.”

Nitong Martes, sinabi ng Communicable Disease Branch ng HK Center for Health Protection na isang pasahero mula sa Pilipinas ang nagpositibo sa UK variant ng COVID.

“Patient 9003 took PR300 and arrived in Hong Kong on the 22nd of December from Philippines,” ayon kay Dr. Chuang Shuk-kwan, hepe ng CDB.

Maliban sa Pinoy, tatlo katao pa na dumating sa Hong Kong ang nagpositibo sa bagong variant; dalawa rito ay nagmula sa London, habang ang isa naman ay galing France.

Screenshot mula sa DOH-Facebook

Nitong nakaraang Sabado, tiniyak ng DOH na wala pa silang nade-detect na kaso ng bagong COVID variant sa Pilipinas.

“This is to clarify that as of Jan. 2, 2021, the Philippine Genome Center has not detected the UK variant in the country. All RT-PCR positive specimens from the countries with confirmed UK variant are to undergo genome sequencing beginning Monday, Jan. 4, 2021,” pahayag ng DOH noong Enero 2.

Nauna nang nagpatupad ng travel restriction ang Pilipinas bago mag-Pasko para sa mga bansang may naiulat na kaso ng UK variant ng COVID.

Loading…