DOH tinitingnan ang 8 ROFs bilang posibleng source ng UK variant sa Bontoc

For illustrative purposes only| Imahe mula sa Zen Rooms
  • Tinitingnan na ngayong ng DOH ang posibilidad na isa sa walong ROFs ang source ng UK variant sa Bontoc
  • Ito ay matapos baguhin ng ahensiya ang kanilang pahayag na ang index case ay isang ROF na umuwi noong Disyembre
  • Nananatiling nasa 17 ang bilang ng pasyenteng mayroong UK variant sa bansa

Tinitingnan na ng Department of Health (DOH) ang walong ROFs (returning overseas Filipinos) na umuwi sa Cordillera Auntonomous Region (CAR) bilang posibleng source ng kumalat na UK variant sa Bontoc, Mountain Province.

Kasunod ito ng binagong pahayag ng DOH na ang ‘index case’ ng UK variant sa bansa ay ang lalaking ROF na dumating sa bansa noong Disyembre 13. Bagama’t nagpositibo ang lalaki sa COVID-19, negatibo naman ito bagong variant ng COVID o tinatawag na B117 variant.

Imahe mula sa USF Health News

“They have reviewed itong triaging system ng CAR, at nakakita sila ng 8 na OFWs o returning OFs (overseas Filipinos) na bumalik sa bansa at pumasok din sa lugar na ito,” ani Health Undersecretary Maria Rosaro Vergeire.

Hinihintay pa ng ahensiya ang test results ng nasabing 8 ROFs upang malaman kung sa kanilang nanggaling ang infection.

“Atin pong kukunin pa ‘yung further details nito and what were the RT-PCR results of these people so that we can identify kung sino pa ang pwede nating makuhang detalye kung saan galing ang impeksyon na ito,” wika pa ng opisyal.

Bontoc, Mt. Province| Imahe mula sa Mapio.net

Ibinahagi rin ni Vergeire na umabot na sa 615 katao na close contacts ng 13 kaso ng UK variant sa CAR ang naisailalim na sa RT-PCR COVID-19 test.

Nauna nang sinabi ng DOH na nasa 38 katao na close contacts ng 13 pasyenteng ito ay nagpositibo rin sa COVID.

Sa kasalukuyan, 17 ang kaso ng UK variant sa bansa; 12 dito ay nasa Bontoc, habang tig-iisa sa La Trinidad, Calamba, Binangonan, Iloilo, at ang pinakaunang na-detect na residente ng Quezon City.

Loading…