Ekonomiya hindi tuluyang makababangon habang bawal pa ring lumabas ang mga menor de edad

Imahe mula sa Quezon City Task Force Disiplina
  • Hindi umano tuluyang makababawi ang ekonomiya kung patuloy na pinagbabawalang lumabas ang mga menor de edad
  • Sinabi ni Sec. Karl Chua na 50% ng consumer demand ang nawawala dahil sa restriksyon sa mga menor de edad
  • Sa isinagawang konsultasyon sa mga shopping malls at fast food chains, hanggang 50 percent ng kanilang sales ay nagmumula raw sa mga konsumo ng pamilya

Kahalati o fifty percent ng consumer demand ang nawawala dahil sa patuloy na pagbabawal ng gobyerno sa mga menor de edad na lumabas ng kanilang mga tahanan dahil sa mga restriksyong ipinatutupad sanhi ng umiiral na COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa i Love Taguig

Sa Financial Executives Institute of the Philippines o FINEX forum na isinagawa kamakailan lang, binigyang-diin ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na mahalaga na payagang lumabas ang mga menor de edad kasama ang mga magulang upang mapasigla ang ekonomiya.

“We have to recover lost demands by allowing family activities,” ani Sec. Chua.

Batay umano sa report ng World Bank, walang bansa na syento porsyentong hindi nagpapalabas ng mga bata.

“In a young country like ours, where the median age is 25 years old and 40 percent of the population is below 20 years old, then if the children are not participating in economic activities, and the families are not participating, up to 50 percent of the total sales and demands are not going to recover,” paliwanag ni Sec. Chua.

Imahe mula sa PNA

“The economy is strong enough to recover if we allow it to do so, but quarantine restrictions prevent it from fully recovering,” sambit pa niya.

Batay sa ipinaiiral na alituntunin ng gobyerno, ang mga may edad 15 hanggang 65 lang ang maaaring lumabas.

“Since children are not allowed to go out of their homes, even to study, family activities are restricted, and thus a big part of the economy is not functional. If there were no such restrictions, GDP (gross domestic product) growth in third-quarter 2020 could have been four  percentage points better at -7.5 percent rather than the -11.5 percent recorded,” ani Sec. Chua.

Imahe mula sa ABS-CBN

Sa isinagawang konsultasyon sa mga shopping malls at fast food chains, hanggang 50 percent ng kanilang sales ay nagmumula raw sa mga konsumo ng pamilya.

Sinabi ng isang nangungunang fastfood chain sa bansa na 43% ng total sales nila ay galing sa mga kinakain ng mga bata, samantalang isang shopping mall naman ang nagsabi na 46% ng kanilang foot traffic noong wala pang pandemya ay mula sa mga magulang na may kasamang mga anak.

Loading…