Elen DeGeneres nabigong mahulaan kung ano ang susunod na eksena sa viral na RC Cola ad

Screenshot mula sa The Elen Show YT video
  • Naipalabas sa ‘The Elen Show’ ang viral na RC Cola ad
  •  Isa ito sa napili para sa segment na “Ellen and Twitch Guess What’s Going to Happen Next in This Crazy Commercial”
  • Nabigo namang mahulaan ni Elen ang sumunod na eksena sa commercial

Matapos mag-trending sa Pilipinas, nakarating na rin sa “The Ellen Show” ang ‘weird’ at nakalilitong advertisement ng RC Cola.

Isa kasi ito sa apat na ginamit ng show ni Ellen para sa “Ellen and Twitch Guess What’s Going to Happen Next in This Crazy Commercial” kung saan huhulaan ng sikat na talk show host at ni tWitch Boss kung ano ang susunod na eksena sa ipalalabas na napiling commercial.

Screenshot mula sa The Elen Show YT video

Pagdating sa eksena kung saan hinubad na ng anak ang kaniyang uniporme at ipinakita ang apat na baso sa kaniyang likod, may tatlong senaryo na ibinigay sa dalawa para hulaan kung ano ang susunod na mangyayari.

Kabilang dito ang choices na  A) She sings a high note and shatters the glass; B) She takes off her head and pours soda into the cup; at C) She takes off the scarf and parachute out  the window.

Bagama’t alam na ng mga Pinoy na ang tamang sagot dito ay B, nabigo naman itong mahulaan kapwa nina Elen at tWitch Boss.

Screenshot mula sa The Elen Show YT video

Ang C ang pinili ni Elen habang A naman kay tWitch; at mapapansing pareho silang nalito nang mapanood ang sumunod na eksena.

“I was wondering how they were gonna drink it and that’s how,” ani Elen habang si tWitch naman ay napatawa na lamang.

“Well, if you haven’t started drinking already, then now is the time,” dagdag pa ni Elen nang mapanood na ang buong commercial.

Screenshot mula sa The Elen Show YT video

Basahin: Netizen ibinahagi ang interpretasyon sa pinag-usapang patalastas ng isang softdrinks

Nag-viral at pumatok sa mge netizens ang ad na ito ng RC Cola bagama’t marami ang umamin na hindi nila nakuha ang mensahe ng nakahihilong softdrinks commercial.

Unang inilabas ito noong Nobyembre at may titulong “[email protected]!!!! Basta RC Cola!”. Dahil sa nag-click, nagkaroon ito ng follow-up makaraan ang ilang linggo na may kapareho ring tema subalit tungkol naman ito sa isang banda.

Panoorin ang video sa ‘The Elen Show’:

Loading…