Ellen Adarna ayaw makatrabaho si John Lloyd Cruz sa isang sitcom

  • Hindi bukas si Ellen Adarna na makatrabaho sa isang sitcom si John Lloyd Cruz
  • “Serious” actor daw kasi ito at nalilinya naman siya sa comedy
  • Nagkakilala ang dalawa noong 2017 sa defunct sitcom ng ABS-CBN na “Home Sweetie Home”

Inamin ng kontrobersyal na aktres na si Ellen Adarna na ayaw niyang makatrabaho sa isang sitcom ang dating karelasyon at ama ng kaniyang anak na si John Lloyd Cruz, dahil magkaiba umano ang linya nila: “serious” dramatic actor daw ito habang siya raw ay bagay sa comedy.

Iyan ang pahayag ni Ellen sa ginanap na virtual mediacon noong Enero 21, 2021 para sa pinakabagong sitcom ng TV5. Ito ay ang “John en Ellen.” Ang John na makakasama niya rito ay ang premyadong aktor na si John Estrada, hindi ang dating karelasyon na si John Lloyd.

Public Domain Image

Tinanong siya ng mga reporter kung bukas ba siya sa ideya na makatrabahong muli ang kaniyang “ex-partner.” Matapang naman itong sinagot ni Ellen, na muli na ngang nagbabalik-showbiz matapos ang pagsilang sa anak nila ni JLC. Kamakailan lamang ay muling umingay ang kaniyang pangalan dahil sa mga larawang kasama ang aktor na si Derek Ramsey, na nakipaghiwalay na sa Kapuso actress na si Andrea Torres.

“Isa lang ang ex ko sa showbiz, eh. Parang hindi, kasi serious naman ‘yun, e. Gusto ko, comedy,” saad ni Ellen.

Sa sitcom na “Home Sweetie Home” ng ABS-CBN nagkakilala at nagkapalagayang-loob sina John Lloyd at Ellen noong 2017. Sabay silang nawala sa show, at umugong ang balitang buntis si Ellen kay JLC; bagay na totoo naman. Noong 2019, kumpirmadon naghiwalay ang dalawa dahil sa “individual diffrences.”

At ngayon ngang 2021, sasabak ulit sa aktingan si Ellen kasama naman si John Estrada — sa John en Ellen.

Block timer ito na prinodyus ng Cignal TV. Bukod sa TV5, mapapanood din ito sa Cignal TV channel, 202 HD at Channel 60 SD.

Public Domain Image

Ilan sa mga kasama nila rito ay sina Ronaldo Valdez, Long Mejia, Yogo Singh at ang anak nina Cesar Montano at Sunshine Cruz na si Angelina Cruz.

Sa Facebook ay ibinahagi nila ang isang pasilip. Mapapanood ito simula sa Enero 24, 7PM sa TV5. Ayon sa kanilang FB page, you can watch your TV5 show anytime anywhere just go to cignalplay.com and register for a free account!


Source :

News 5, PEP, Facebook

Loading…