Emergency use authorization naibigay na ng FDA para sa COVID-19 vaccine ng Pfizer-BioNTech

Imahe mula sa DW
  • Pinagkalooban na ng FDA ng EUA ang COVID-19 vaccine ng Pfizer-BioNTech
  • Sinabi ni FDA chief Eric Domingo na natugunan ng Pfizer-BioNTech vaccine ang requirements ng FDA
  • Ang bakuna ng Pfizer-BioNTech ay maaari lang gamitin sa mga may edad 16 pataas

Binigyan na ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) nitong Huwebes, January 14, ng emergency use authorization (EUA) ang Pfizer-BioNTech para sa COVID-19 vaccine nito.

Screenshot mula sa Inquirer video

Sa ilalim ng Executive Order No. 121 series of 2020, ang EUA ay ipinagkakaloob sa mga under development vaccines kapag walang sapat, aprubado at alternatibo sa bakuna para mapigilan ang COVID-19 ngayong may public health emergency.

Nilinaw ng FDA na ang EUA ay hindi isang marketing authorization o Certificate of Product Registration, kaya hindi ito (EUA) maaaring gamitin para ibenta sa merkado ang vaccine.

“After a thorough review of the currently available data by medical and regulatory experts, the FDA today is granting an emergency use authorization to Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine,” pahayag ni FDA director-general Eric Domingo sa isang virtual press briefing.

Natugunan umano ng Pfizer-BioNTech ang requirements ng FDA para mabigyan ng EUA sa Pilipinas ang bakuna nito kontra sa COVID-19.

Imahe mula sa Pixabay

“Based on the totality of evidence available to date, including data from adequate and well-known controlled trials, it is reasonable to believe that the Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine may be effective to prevent, diagnose, or treat COVID-19,” ani Domingo.

Batay sa pagtataya ng FDA, mas malaki ang potential benefits ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine kaysa sa potential risks nito.

Sabi pa ni Domingo, kailangang iimbak ang vaccine sa -80 degrees Celsius hanggang -60 degrees Celsius. Maari lang magamit ang bakuna sa mga may edad 16 pataas.

Screenshot mula sa Inquirer video

 

Source :

FDA, Inquirer

Loading…