FDA nagbabala sa pagbili at paggamit ng cologne na ine-endorso ni Toni Gonzaga

Imahe mula sa FDA
  • Nagbigay ng warning ang FDA sa pagbili at paggamit ng isang cologne na ine-endorso ng aktres na si Toni Gonzaga
  • Sinabi ng FDA na walang valid Certificate of Product Registration ang Pouf Everyday Dusk Cologne Spray
  • Binalaan din ng FDA ang mga establisimyento na huwag magbebenta ng naturang produkto hangga’t hindi pa iyon lubusang nakasusunod sa rules and regulations ng ahensya

Nagbigay ng babala ang Philippine Food and Drug Administration (FDA) sa pagbili at paggamit ng isang brand ng pabango na ine-endorso ng aktres na si Toni Gonzaga at ng vlogger/entrepreneur na si Winnie Wong.

Imahe mula sa Lazada

Sa isang advisory sa official website ng FDA, sinabi ng ahensya na huwag tangkilikin ang isang unauthorized cosmetic product – ang Pouf Everyday Dusk Cologne Spray. Ang produkto ay isa sa tatlong variants ng Pouf Everyday cologne spray (Rise, Bloom, Dusk) na inilunsad ni Gonzaga at Wong noong unang bahagi ng nakaraang taon.

“The Food and Drug Administration warns the public from purchasing and using the unauthorized cosmetic product, Pouf Everyday Dusk Cologne Spray,” saad sa bahagi ng FDA advisory.

Sinabi ng FDA na naberipika nito sa pamamagitan ng post-marketing surveillance na ang nasabing produkto ay walang valid Certificate of Product Registration as of December 17, 2020.

Batay umano sa Food and Drug Administration Act of 2009, ang manufacture, importation, exportation, sale, oofering for sale, distribution, transfer, non-consumer use, promotion, advertising, o sponsorship ng anumang health product na walang proper authorization mula sa FDA ay ipinagbabawal.

Screenshot ng FDA advisory

Dahil hindi dumaan sa notification process ang naturang produkto, hindi raw magagarantiyahan ng ahensya ang quality at safety niyon. Posible umanong may dalang panganib ang produkto sa kalusugan ng mga consumers.

Binalaan din ng FDA ang mga establisimyento na huwag ibenta ang Pouf Everyday Dusk Cologne Spray hangga’t hindi pa ito lubos na nakasusunod sa rules and regulations ng ahensya.

Ang Pouf Everyday cologne ay mabibili sa isang online shopping platform sa halagang P395.

Imahe mula sa Everyday

Loading…