Free toll sa Skyway Stage 3 para sa medical frontliners pinalawig pa

Imahe mula sa Facebook-RSA
  • Pinalawig pa ang libreng toll fee sa Skyway Stage 3 para sa mga medical frontliners
  • Mananatili itong libre ‘until further announcement’ ayon sa SMC
  • Sa kabuuan, umabot na sa P156-M ang na-waived na bayad para sa mga frontliners simula noong Marso

Bilang pagpupugay sa kabayanihan ng mga medical frontliners ngayong panahon ng pandemya, pinalawig pa ng San Migeul Corporation (SMC) ang libreng toll fee para sa mga medical frontliners na magdaraan sa kabubukas lamang na Skyway Stage 3.

Sa inilabas na anunsiyo ng toll operator, sinabi ni SMC president at chief operating officer Ramon S. Ang na dati nang walang bayad ang mga frontliners noong Marso pa simula nang ideklara ang COVID pandemic sa bansa at mananatili itong libre ‘until further announcement’.

Imahe mula kay Ramon S. Ang

“This time of pandemic, we need to help our country, our fellow Filipinos, and each other, as much as we can,” wika ng pahayag ni Ang.

“We have been providing this courtesy to our medical practitioners non-stop, because it’s our way of honoring them and thanking them for their selfless efforts to save lives and to help us survive this crisis,” ayon pa sa SMC president.

Sa kabuuan, umabot na sa P156-M ang na-waived na bayad para sa mga doktor, nars, laboratory technician at ibang medical personnel na patuloy na nakikipaglaban sa pandemya, ayon sa SMC.

Ang Skyway 3 ay nagkaroon ng soft opening noong December 29 at libre pa ang toll fee sa ngayon para sa mga ordinaryong motorista hanggang sa katapusan ng Enero.

Pormal na binuksan sa publiko ang 7 lanes ng 18-kilometrong elevated expressway mula sa Buendia off-ramp hanggang Balintawak nitong Enero 15.

Imahe mula sa Facebook

“This project, the result of cooperation between government, private sector, and so many stakeholders, showcases the talents and know-how of our Filipino engineers and builders. It shows our ability to build our own world-class facilities, and our optimism for the future,”ayon pa kay Ang.

Sa loob lamang unang dalawang linggo, nakapagtala na ang Skyway 3 ng mahigit 70,000 na nagdaraang sasakyan kada araw. Kaya nitong i-accommodate ang 200,000 sasakyan kapag fully operational na.

Samantala, nakapending naman sa Toll Regulatory Board (TRB) ang fare matrix ng Skyway 3 kung saan nakasaad dito ang posibleng singil na P110 hanggang P274 na toll fee sa bawat motoristang gagamit.

Loading…