Galing ng Pinoy engineers, construction workers naipakita sa unang double-decker elevated highway sa Pilipinas

Screenshot mula sa SMC video
  • Mayroon nang double-decker elevated highway sa Pilipinas
  • Ito ay makikita sa ilang bahagi ng Skyway 3 na kamakailan lang ay binuksan na sa mga motorista
  • Sinabi ng SMC na patunay ang double-decker elevated highway sa husay at galing ng mga Pinoy engineers at construction workers

Alam ba ninyo na mayroon nang double-decker elevated highway sa bansa?

Screenshot mula sa SMC video

Ibinahagi ng San Miguel Corporation ang isang video ng kauna-unahang double-decker elevated highway sa Pilipinas na isa raw patunay sa husay at galing ng mga Pinoy engineers at construction workers. Bahagi ito ng Skyway 3 na nagdudugtong sa South Luzen Expressway at North Luzon Expressway na kamakailan lang ay binuksan na sa mga motorista.

“This double-decker portion of our Skyway 3 — from Plaza Dilao to Tomas Claudio bridge in Pandacan, Manila — is a first in the Philippines and proof of the world-class skills and talent of our Filipino engineers and construction personnel,” buong pagmamalaking pahayag ni SMC president and chiel operating officer na si Ramon Ang.

Ipinaliwanag ni Ang na ang engineering solution na ito ay nabuo at na-implement upang tugunan ang limitasyon sa espasyo. Makikita rin ang double-decker elevated highway sa dalawa pang bahagi ng Skyway 3 – sa Araneta Avenue bago dumating sa Quezon Avenue at sa Roosevelt at Sgt. Rivera Street sa Quezon City.

Screenshot ng Facebook post ni Ramon S. Ang

“There are two other such sections on Skyway 3, at Araneta before Quezon Avenue, and Roosevelt at Sgt. Rivera Street. This engineering solution was conceptualized and implemented to address space constraints. Indeed, we can do great things together,” sabi pa ni Ang.

Ang Skyway 3 ay itinayo bilang isang alternatibo sa EDSA. Sa pagbubukas nito ay ramdam na ang magandang epekto sa masikip na trapiko sa EDSA pero inaasahang lalo pang maiibsan ang matagal nang problema kapag fully operational na ang elevated highway.

Screenshot mula sa SMC video

Sa ngayon ay ilang lanes pa lang ang binuksan dahil sa mga finishing touches pang ginagawa tulad ng paglalagay ng mga street lights at paglalatag ng aspalto sa kahabaan nito.Tuluyan na itong bubuksan sa susunod na linggo, sa ika-14 ng Enero.

Loading…