Galvez inatasan ng Pangulo na ipaalam kay Sotto ang detalye ng COVID vaccine deals

Screenshot mula sa RTVM video
  • Inatasan na ni Duterte si Galvez na sabihin nito kay Sotto ang detalye ng kasunduan sa pagbili ng bakuna
  • Para umano ito sa transparency, ayon kay Senador Bong Go
  • Nauna nang sinabi ni Galvez na posibleng mawala ang binibili nilang 148 milyon na doses ng bakuna kapag isinapubliko ngayon ang presyo

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si vaccine czar Sec. Carlito Galvez na ibahagi nito kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang mga detalye ng kasunduang pinasok ng gobyerno sa pagbili ng COVID vaccine.

Ito ang sinabi ni Senador Christopher ‘Bong’ Go sa isang pahayag nitong Martes sa gitna ng mga batikos tungkol sa kontrobersiyal na presyo ng bakunang magmumula  sa China.

Imahe mula kay Sen. Bong Go

“Kausap ko po si Pangulo at inatasan niya si Sec. Galvez na ipaalam po ang kasunduan kay Senate President Sotto,” ani Go.

Wika pa ng mambabatas, na kilalang malapit kay Duterte, nakausap na rin niya si Sotto tungkol dito. Hindi lang niya umano makukumpirma pa kung sa isang executive session mag-uusap sina Sotto at Galvez.

“Di ko alam anong paraan but mag-uusap yata sila ni SP. For transparency naman ang gusto ng pangulo… pero importante ‘wag maantala ang vaccine implementation,” dagdag pa ni Go.

Imahe mula sa Senate of the Philippines

Nauna nang sinabi ni Galvez na hindi niya maaaring ihayag sa publiko ang tunay na presyo ng mga bakuna dahil malalagay sa alanganin ang kasunduan upang makabili ng 148 milyon na doses  ng COVID vaccine.

“Maaari pong mawala sa atin ang 148 million doses na nine-negotiate po natin sa mga vaccine companies kapag lumabag po tayo sa ating kasunduan,” paliwanag ni Galvez.

Screenshot mula sa RTVM video

Sa ginanap na pagdinig ng Senate Committtee of the Whole, pinipilit ng ilang senador ang mga opisyal na responsable sa pagbili ng bakuna na isapubliko ang presyo ng kanilang bibilhin upang mawala ang pagdududa ng mga tao na posibleng may kikita na naman dito.

Tamang-hinala rin si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na mayroong nagtatangkang i-overprice ang Sinovac vaccine mula sa China kahit pa sinabi na ng Palasyo na nakuha nila ito sa patas at pinakamababang presyo.

Loading…