Gene therapy na na-develop sa China nakapagpapabagal sa pagtanda

Screenshot mula sa Huffpost video
  • Isang gene therapy ang na-develop ng Chinese scientists na maaaring makapagpabagal umano sa pagtanda
  • Nagawa ng gene therapy na baliktarin ang ilang epekto ng pagtanda sa mga daga at napahaba ang lifepan ng mga ito ng hanggang 25%
  • Umaasa ang mga scientists na balang-araw ay magagamit ang ganitong therapy sa mga tao

Na-develop ng mga scientists sa Beijing, China ang isang uri ng gene therapy na kayang baliktarin ang ilang epekto ng pagtanda sa mga daga at napahaba ang lifepan ng mga ito. Maaari umanong balang-araw ay magagamit ang ganitong treatment sa mga tao.

Imahe mula sa Genetic Engineering and Biotechnology News

Ang pamamaraan o method, na idinetalye sa isang artikulo na na-publish sa Science Transnational Medicine journal nitong unang bahagi ng Enero, na ginamit ay ang pag-inactivate sa isang gene na kung tawagin ay “kat7” na natuklasan ng mga scientists na mahalagang contibutor sa cellular aging.

Ang partikular na therapy na kanilang ginamit at ang resulta nito ay siyang kauna-unahan sa buong mundo, ayon kay Professor Qu Jing, isang espesyalista sa aging and regenerative medicine mula sa Institute of Zoology sa Chinese Academy of Sciences (CAS).

“These mice show after 6-8 months overall improved appearance and grip strength and most importantly they have extended lifespan for about 25%,” pahayag ni Prof. Qu Jing.

Ang grupo ng mga biologists mula sa iba’t ibang departamento ng CAS ay gumamit ng CRISPR/CAS9 method para piliin mula sa libo-libong genes ang pinakamalalakas na driver sa pagtanda ng cells.

Imahe mula sa Adobe Stock

Sa 10,000 genes ay nakapili sila ng 100, at ang kat7 ang pinaka-episyenteng nagpapatanda sa mga selula.

Kailangan umano nila ng mas masusi pang pag-aaral sa kat7 bago ito gamitin sa mga tao, ayon sa propesor.

“It’s still definitely necessary to test the function of KAT7 in other cell types of humans and other organs of mice and in the other pre-clinical animals before we use the strategy for human aging or other health conditions,” aniya.

Ayon pa kay Prof. Qu Jing, umaasa sila na sa hinaharap ay makahahanap sila ng paraan upang mapabagal ang pagtanda ng mga tao kahit kaunti lang.

Screenshot mula sa Huffpost video

Loading…