Gina Pareño nagpahatid ng interes sa casting ng bagong Disney film

  • Pabirong nagpahatid ng interes ang aktres na si Gina Pareño sa casting ng bagong Disney film
  • Marami sa mga netizens ang nagsabing bagay na bagay siya para dito at subukan niyang mag-audition
  • Sa isang IG post, sinabi niyang kung sino man ang mapipili ay magiging pride ng bansa

“Hanap n’yo raw ako?”

Iyan ang pabirong banat ng mahusay at premyadong aktres na si Gina Pareño sa balitang naghahanap ang Walt Disney Company ng isang Pilipinang artistang gaganap sa kanilang pinakabagong Disney film. Naglabas kasi ng patalastas ang naturang kompanya para sa kanilang casting.

Imahe mula sa Instagram account ni Gina Pareño

“No professional acting is required, but the applicant must speak English fluently and be comfortable traveling on a plane to Atlanta. They also should be authorized to work in the United States,” saad sa patalastas. Naghahanap sila ng isang Filipina o Filipino-American na nasa 50 hanggang 90 taong gulang.

Marami naman sa mga netizens ang humikayat kay “Lola Gets” na subukang mag-audition, dahil tiyak na magagampanan niya nang mahusay ang role.

“Ay pak! Gina Pareño na! Veteran actress and so talented! Mapa-comedy and heavy drama, kayang-kaya niya, saan ka pa?” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Yes! Kayang-kaya ni Manay Gina ‘yan. I hope she gets it. She deserves to be recognized in Hollywood.”

“Noong mabasa ko ang ad na ito, si Lola Gets na kaagad ang naisip ko. Go Mam Gina! We love you so much! Sana po makuha ninyo. Karangalan ‘yan!” pahayag naman ng isa.

Samantala, sa kaniyang Instagram post naman ay nagpahayag naman ng seryosong mensahe ang premyadong aktres para sa Pilipinang makukuha sa casting ng naturang Disney film. Natutuwa siya dahil talagang hinahanap na ng mga dayuhang movie makers ang mga Pilipinong artista.

Imahe mula sa Instagram account ni Gina Pareño

“I’m sure maraming may gustong mag-audition sa Disney. At marami talagang magagaling na artistang Pinoy. Kung sinoman ang makukuha nila, pride pa rin natin ‘yun. Kasi finally, Filipinos and our culture are being represented internationally,” saad ng aktres.

“Noong una ay mga Pinoy casts. Tapos yung parol. Tapos pamilyang Pilipino. Talagang hinahanap-hanap na nila tayo!” dagdag pa niya.

Ang ama ni Gina Pareño ay isang German-American at ang ina naman niya isang Pilipina. Pinasok ni Gina ang showbiz noong 1960s at gumawa ng mga pelikula sa ilalim ng Sampaguita Pictures.

Noong 2006, nagwagi siya ng Best Actress Award sa pelikulang Kubrador (The Bet Collector) sa Osian’s Cinefan Festival of Asian and Arab Cinema gayundin sa Brussels International Independent Film Festival.

Loading…