Guro ibinahagi ang matagumpay na ipon challenge sa kabila ng pandemya; nagbigay ng 12 ipon tips

  • Napagtagumpayan ng isang guro sa Nueva Ecija ang kaniyang pag-iipon
  • Nakapag-ipon lang naman siya ng tumataginting na 106,115 pesos sa loob ng dalawang taon, kahit na may pandemya pa
  • Nagbigay siya ng 12 tips kung paano magagawa ito

Isang pampublikong guro sa lalawigan ng Nueva Ecija ang naging matagumpay sa kaniyang ipon challenge, kahit nakararanas ang bansa ng pandemya. Hindi ito naging hadlang upang makaipon ng pera na umabot sa 106,115 pesos, matapos ang dalawang taong pag-iipon sa piggy bank.

Isinalaysay ni “Cathlyn Mariano” sa kaniyang Facebook post ang kaniyang matagumpay na ipon challenge, na aniya ay hindi akto ng pagmamayabang, kundi upang magbigay ng inspirasyon sa lahat.

Bukod dito, nagbigay rin siya ng 12 tips kung paano mapagtatagumpayan ang pag-iipon kahit hindi kalakihan ang suweldo, o kahit na may krisis na kinakaharap ang bansa.

Imahe mula sa Facebook account ni Cathlyn De Leon Mariano

Aminado ang guro na lagi siyang nagbabasa ng mga aklat ng sikat na fianncial expert na si Chinkee Tan. Naiinggit daw siya sa matatagumpay na kuwento ng mga taong nag-iipon, kahit na hindi naman kalakihan ang kanilang mga kinikita.

Kaya kahit na may loan siya at kaunti na lamang ang take home niya,  pinilit niyang mag-ipon ng sampung bahagdan ng kaniyang sinusuweldo. Pinuhunan din niya ang mga ipon sa e-loading, online selling, pagtitinda ng mga preloved clothes, at printing services po sa bahay.”

“Gumawa po ako ng chart na ipon shade. Wala po specific kada pay day po salary minus savings equals expenses na po ako. Naghuhulog na po ako ng 1,500 pesos sa alkansya. Next payroll pag may tira hinuhulog ko po,” salaysay niya. Balak niyang magnegosyo ngayong 2021 gamit ang naturang ipon upang mapalago ito.

Samantala nagbigay naman siya ng 12 tips kung paano makaiipon. Narito ang unang lima:

Una, laging manalangin sa Diyos at mag-self study sa iba’t ibang tips hinggil sa tamang pagmamahal ng pera, sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat, o panonood sa mga videos.

Imahe mula sa Facebook account ni Cathlyn De Leon Mariano

Pangalawa, tandaan ang simple saving formula na Kita/Suweldo – Mga Ipon = Mga Gastos. (Income – Savings = Expenses). Pangatlo, alamin ang pangangailangan sa kagustuhan o luho. Isantabi muna ang mga bagay na hindi naman kailangan. “Learn to live within your means.” Iwasan din daw ang bisyo.

Pang-apat, itabi ang mga alkansiya at bank acocunt sa ligtas na lugar. Panlima, law of attraction. Lagyan daw ng label ang alkansya. May pamahiin daw kasi na kapag may alkansiya may magkakasakit sa pamilya. Hindi raw totoo iyon kaya iwaksi sa isipan.

Nais pa bang malaman ang iba pang tips ng guro?

Mangyaring magtungo sa kaniyang Facebook account upang masilayan din ang kaniyang ginawang ipon charts na maaaring makatulong sa iyong pag-iipon ngayong taon. Happy savings!

Source :

Facebook

Loading…