“Hair flip is life!” Pinky Webb at Harry Roque nagkaroon ng tensyon sa CNN Philippines

  • Pinag-usapan ang tensyon sa pagitan nina Harry Roque at Pinky Webb sa CNN Philippines
  • Nag-ugat ito sa Twitter post ni UP journalism professor Danilo Arao
  • Napahawi na lamang ng buhok si Webb, na pinag-usapan ng mga netizens

“Hair flip is life!” Pero baka ponytail muna bukas.”

Iyan lamang ang reaksyon ni CNN Philippines news anchor Pinky Webb sa kaniyang Twitter post matapos ang tensyon sa pagitan nila ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa television live interview niya rito nitong Huwebes, Enero 21, 2021, sa programang “The Source.”

Imahe mula sa Twitter account ni Pinky Webb

Kinuha ni Webb ang reaksyon ni Roque sa Twitter post ni UP journalism professor Danilo Arao na nananawagan sa mga UP graduates o alumni na i-denounce ang pagpapasya ng pamahalaan na bawiin ang unilateral agreement ng pamahalaan at mga state university na papasukin ang mga sundalo sa campus grounds. Pinupukol kasi ng mga paratang ang pamantasan na nagsisilbi umanong “breeding ground” para sa mga rebeldeng komunista.

“This disregards everything that UP stands for. Should they remain silent, a six-word question: Where are your honor and excellence?” saad ni Arao sa kaniyang Twitter post.

Nang tanungin ni Webb si Roque hinggil dito, tahasang ipinakita ni Roque ang kaniyang pagkadismaya. Hindi raw niya kailangang gawin ang panawagan ni Arao. Mas matagal pa nga raw siyang nagturo sa UP Diliman kaysa sa naturang UP journalism professor. Tila napikon din si Roque sa paraan ng pagtatanong ni Webb.

“You are wrong. You are implying as if I had to follow what Danny Arao says. What is the basis for that?’ tanong ni Roque kay Webb.

Pinabulaanan naman ito ng mamamahayag na kalmado lamang at composed, subalit iginiit pa rin ni Roque na may ibang nais patungkulan si Webb.

Image capture mula sa YouTube channel

“But you said I had to follow him and if I did not do as he did, then I have no honor or excellence. Is that a fair question? It’s not.”

Tugon naman ni Webb, “No, I did not say that, Secretary Roque.”

“That’s what he said though. That’s what he said. And that’s why I’m calling you out for that,” giit ni Roque kay Webb.

Nilinaw naman ni Webb na ang tinatanong lamang niya sa Presidential Spokesperson ay ang reaksyon nito sa Twitter post ni Arao.

“But it’s implying that I should follow what Danny Arao says. And where is the basis, tell your viewers now. Where is the basis that I should follow what Danny Arao says. It is not you asking for a reaction; you were pursuing. Will you denounce? See it’s not just a reaction. You wanted me to answer Danny Arao. Why should I? Is that fair?” saad pa ni Roque.

Image capture mula sa YouTube channel

“Okay. Then if you say why should you answer it, and if you answered it that way sir, then I would take it as is,” kalmado namang tugon ni Webb.

Subalit hindi pa rin tumigil si Roque. “But you’re pushing the point. Going beyond asking for my reaction. Because ‘Will you denounce it?’ You said it on record. The TV recorded it. You have to be fair, no?”

At dito na nag-flip ng kaniyang buhok si Webb sabay sabing “I am trying to be fair.”

Agad na pinag-usapan sa social media ang naturang panayam. Marami ang pumuri kay Webb dahil sa composed at classy nitong pag-handle sa mga nangyari, lalo’t live ang kanilang newscast nang mga sandaling iyon.

Samantala, matapos ang naturang insidente, naglabas naman ng Twitter post si Arao, batay naman sa kaniyang panayam sa TeleRadyo ng ABS-CBN.

“Wala naman puwersahan kung sagutin o hindi. Dati naman kaming magkaibigan. Dumarating ang pagkakataon na magkakaroon ng pagkakaiba ng saloobin,” Twitter post ni Arao hinggil kay Roque.

Imahe mula sa Twitter account ni Danilo Arao

Panoorin ang naturang kontrobersyal na panayam sa “The Source” ng CNN Philippines via YouTube Channel:

Loading…