Handa ka bang magbayad ng halos P3k para sa gold-plated hamburger?

Screenshot mula sa NXT video
  • Isang kakaibang hamburger ang alok ng restaurant sa Bogota, Columbia
  • Ang hamburger ay nababalutan ng 24-k edible gold sheet at nagkakahalaga ito ng $59
  • Ayon sa restaurant, ang binabayaran sa kanilang golden hamburger ay ang “luxury experience” na hatid nito

Isa sa mga negosyo na pinaka-naapektuhan ng COVID-19 pandemic ay ang mga dine-in restaurants. Marami sa mga ito ang nagsara, pero meron ding ilan na gumawa ng kakaibang gimik upang maka-attract ng mga customers.

Imahe mula sa Frontline

Sa Colombia, ang pangkaraniwang hamburger ay binalutan ng 24-karat edible gold leaves para mapukaw ang kuryosidad ng mga tao. May kamahalan ang gold plated hamburger na alok ng restaurant sa Bogota. Nagkakahalaga ito ng $59 o katumbas ng halos P3,000, samantalang ang ordinaryong hamburger ay $11 lang.

Ang golden hamburger na patok na patok sa mga customers ay may dalawang beef patties, crispy bacon, fried onion rings, kamatis at cheese na ipinalaman sa hindi ordinaryong hamburger bun kundi sa isang brioche bun.

Ang 24-k na edible gold leaves ay idinidikit sa buns bago i-serve sa customers. Ang bawat order nito ay may kasama nang french fries.

Imahe mula sa Frontline

Ayon kay Carlos Mario Florez ng Toro McCoy Fast Food, kailangan ng ibayong pag-iingat sa pagdidikit ng edible gold sheets sa hamburger. Napakanipis lang daw kasi niyon na madaling mapunit kahit madikit lang sa daliri.

Aniya, wala namang kakaibang lasa o amoy ang golden sheet na ibinabalot sa hamburger, pero may kakaibang sensasyon na mararamdaman ang customer kapag dumidikit iyon sa mga labi.

“It doesn’t taste like anything, nor does it smell. It’s a strange sensation because sometimes it sticks to the lip, the gold is very thin and can stay on the fingers,” sabi ni Florez.

Screenshot mula sa NXT video

Ang binabayaran daw sa kanilang golden hamburger ay ang “luxury experience” na hatid nito. Sabi pa ni Florez, nagaya lang nila ang ideya nang minsang kumain sila ng “golden steak” sa isang restaurant.

Loading…