Heart Evangelista inaming takot mawala ang asawang si Chiz Escudero

Imahe mula sa Instagram | Heart Evangelista
  • Aminado si Heart Evangelista na natatakot siya na mawala balang araw ang kaniyang asawa
  • Madalas daw nila itong napag-uusapan ni Sorsogon Governor Chiz Escudero dahil malaki ang kanilang age gap
  • Gayun pa man ay naniniwala raw si Heart na kapag dumating ang pagkakataon na iyon ay marami na silang nabuong magagandang alaala

Inamin ng aktres na si Heart Evangelista na natatakot siyang mawala ang kaniyang asawang si Sorsogon Governor Chiz Escudero.

Sa kaniyang Instagram stories ay sinagot ni Heart ang tanong ng netizen tungkol sa kaniyang kinatatakutan.

Imahe mula sa Instagram | Heart Evangelista

Madalas daw siyang sabihan ni Chiz na mauuna itong mawala. “My husband would always tell me to be strong. He does not baby me whatsoever because he would tell me that he would go first. I feel like crying every time he says that,” sabi niya.

Mayroong 16 taon na age gap sina Heart at Chiz. Si Chiz ay 51 years old na habang si Heart naman ay 35 years old pa lamang. “I know I will one day die alone; It’s my biggest fear.”

Sa kabila nito ay alam daw ni Heart na kapag dumating ang oras na iyon ay nakagawa na raw sila ng maraming magagandang alaala.

“I know by that time, I will be happy with all the memories I have and I will be stronger to face that one moment,” aniya pa.

Imahe mula sa Instagram | Heart Evangelista

Makakasama niya rin daw ang kaniyang aso na si Panda kaya nababawasan ang takot na kaniyang nararamdaman. “One more fact, heaven is real.”

Sa lumang interview noon sa Inquirer ay sinabi ni Chiz na hindi nagiging problema sa kanila ni Heart ang malaking age gap.

“Actuallly, the gap was never a consideration or an issue for us. We complement each other in a way because whatever it is I do not have given my age, she has. And whatever it is she does not have given her age, I have. I learn a lot from her and the world she belongs in, and the same is true with me. It is refreshing,” paliwanag ni Chiz.

Ikinasal ang dalawa sa Balesin noong 2015. May kambal na anak si Chiz sa kaniyang dating asawang si Christine Elizabeth Flores.

Loading…