Hindi mabuting plant collector ang bumibili ng mga halaman sa kawatan – Aubrey Miles

Imahe mula sa Instagram account ni Aubrey Miles
  • Nagbahagi si Aubrey Miles ng saloobin tungkol sa mga plant collector na bumibili sa mga kawatan
  • Panandaliang kaligayahan lang daw ang makukuha sa mga stolen plants
  • Hindi raw maipagmamalaki ang mga halamang nabili sa mga kawatan kahit rare pa ang mga iyon

Nagbahagi sa social media ang aktres na si Aubrey Miles ng kanyang saloobin tungkol sa mga plant collectors na bumibili sa mga kawatan. Nilinaw niya na ang Instagram post niya ay patungkol sa mga buyers na alam na galing sa nakaw ang halamang binibili.

Imahe mula sa Instagram account ni Aubrey Miles

“Ok this only applies to the buyers who are aware that they’re buying stolen goods. Buying stolen plants doesn’t make one a better collector, just because you have this and that species,” aniya.

Hindi raw maipagmamalaki ang mga ganoong halaman kahit na rare pa ang mga iyon. Naroroon daw kasi ang posibilidad na mabuking at maging kahiya-hiya kapag ipinakita sa mga tao ang halamang binili sa kawatan.

“Remember if you buy a known and rare kind, you can’t share it, can’t post it, can’t talk about it and straight up it’s a stolen plant,” sabi ni Aubrey.

Panandaliang kaligayahan lang daw ang dulot ng nakaw na halaman.

At kung wala naman na pakialam ang plant collector kahit galing sa kawatan ang halaman, bahala na raw sila, sabi pa ng asawa ni Troy Montero. I-enjoy na lang daw nila ang mga iyon habang mag-isang umiinom ng kape.

Imahe mula sa Instagram account ni Aubrey Miles

“Oh well, if you don’t care about all this, good for you. You can have the stolen plant alone in your house while drinking coffee. Enjoy it alone and all by yourself,” aniya.

Tiniyak ng aktres na hindi siya ganoong klase ng plant lover, collector o hobbyist. Sabi niya, saludo siya sa lahat ng legit plant collectors.

Sa susunod raw ay ilalabas naman niya ang kanyang saloobin tungkol sa mga kawatan ng halaman.

Imahe mula sa Instagram account ni Aubrey Miles

Loading…