‘Hinlalaki sa paa’ na lumitaw mula sa pagkakabaon sa lupa, isang patatas lang pala

Imahe mula sa Potato System
  • Isang concerened citizen sa England ang nag-report sa mga awtoridad na nakakita siya ng paa ng tao na nakabaon sa putikan
  • Batay sa larawan mula sa concerned citizen, tila isang hinlalaki sa paa ang nakita nito
  • Natawa na lang ang mga awtoridad dahil ang inaakalang “human toe” ay isa palang “”pota-toe”

Isang tawag ang natanggap ng Northumbria Police (NP) sa England mula sa isang concerned citizen na nagbunsod sa malawakang search operation.

Imahe mula sa Northumbria Police

Sa post nito sa Facebook, sinabi ng pulisya na noong Martes ng hapon, January 5, ay nakatanggap sila ng tawag mula sa isang babaeng dog walker na nagsabing may namataan siyang mga labi ng isang tao na nakabaon sa putikan sa Winlaton.

“On Tuesday afternoon we received a report from a dog walker that they had spotted a suspected human toe buried in mud in a field in Winlaton,” ayon sa NP.

Nakauwi na ang concerned citizen, pero nilitratuhan muna nito ang inaakalang hinlalaki sa paa na umusli mula sa pagkakabaon at ipinadala ang larawan sa mga law enforcers.

At dahil mukhang daliri nga sa paa ang nasa larawan ay inilunsad ng mga awtoridad ang paghahanap sa lugar kung saan nakabaon ang “paa.”

“The image did show what appeared to be a human foot and so a search of the field was conducted, involving our response officers and specialist police dogs,” ayon sa Facebook post ng NP.

Hindi naglaon ay natunton naman ng mga rumesponde ang lugar kung saan namataan ang “human toe”  ngunit napagtanto nila na isa pala iyong “pota-toe” na may tumubo pang kabuti sa tabi niyon.

Imahe mula sa Northumbria Police

Natawa na lang daw ang mga pulis na patatas lang pala ang inakalang paa ng tao.

“In good faith” naman daw ang pagtawag ng concerned citizen.

Pinuri nila ang pagiging vigilant ng concerned citizen at hinikayat pa ang publiko na tularan ito.

Source :

Facebook, ABS-CBN

Loading…