Honest employee ng DPWH-Caraga na nagbalik ng napulot na P360k, binigyan ng motor

Imahe mula sa Facebook | DPWH Caraga
  • Bagong motorsiklo ang naging pabuya sa isang kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Caraga matapos na ibalik ang napulot na P360k
  • Nag-ambagan ang kaniyang mga kasamahan upang ipakita ang kanilang pasasalamat sa kaniyang katapatan
  • Bukod dito ay bibigyan daw siya ng prayoridad sakaling magkaroon ng bakanteng permanent position

Nakatanggap ng reward na brand new motorcycle ang kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Caraga na si Bernardo Dela Cruz matapos na isauli ang napulot na bag na naglalaman ng P360,000.

Imahe mula sa Facebook | DPWH Caraga

Bilang pasasalamat sa katapatan ng survey aide na si Bernardo ay nag-ambagan ang kaniyang mga kasamahan upang mabigyan siya ng motorsiklo.

“Very proud kami sa kaniya… Binigyan namin siya ng isang brand new motorcycle dahil sa pag-ambag-ambagan ng mga tao rito para magamit niya sa hanapbuhay,” sabi ni DPWH Caraga regional director Pol Delos Santos sa ABS-CBN.

Pauwi na sana si Bernardo matapos na mamalengke nang makakita ng isang bag. Nang buksan niya ito ay tumambad ang bungkos-bungkos na pera. Sinubukan niyang maghanap ng identification card upang matawagan ang may-ari nito ngunit wala siyang nakita.

Nagpasya siyang ipagbigay-alam ito kay DPWH Administrative Division Chief Atty. Joel Gingane.

Imahe mula sa Facebook | DPWH Caraga

Basahin: Empleyado ng DPWH isinauli ang napulot na bag na may lamang P360K

Dito na nila nalaman na ang may-ari pala ng bag ay ang supervisor-cashier ng San Isidro Upland Farmers Multipurpose Cooperative na si Jean Hinayon.

Hindi niya raw namalayan na nahulog ang bag kaya naman nanalangin siyang sana ay may mabuting puso ang nakakuha nito. Hindi naman siya nabigo dahil hindi nagdalawang-isip si Bernardo na ibalik ang pera sa may-ari nito.

Tumanggap din si Bernardo ng plaque of recognition. “It was truly an honor to present Bernardo Dela Cruz this plaque. His honesty and action are beyond expectation especially in this time of pandemic, and worthy of commendation,” dagdag pa ni Delos Santos.

Bukod dito ay bibigyang prayoridad daw si Bernardo sakaling magkaroon ng bakanteng permanent position.

Congratulations, sir Bernardo!

Loading…