Hospital pharmacist sinadya na alisin sa cold storage ang COVID-19 vaccine para mawalan ng bisa

Imahe mula sa Pexels
  • Sinadya ng isang pharmacist na masira ang ilang vials ng COVID-19 bago iturok sa mga pasyente
  • Inalis ng suspek sa cold storage ang 57 vials ng Moderna COVID-19 vaccine
  • Tiniyak ng Moderna na walang panganib sa kalusugan ang maturukan ng ineffective vaccine maliban sa hindi protektado laban sa COVID-19

Dinampot ng mga awtoridad ang pharmacist ng isang pagamutan sa Wisconsin, United States dahil sa umano’y pananabotahe nito sa ilang COVID-19 vaccine doses.

Imahe mula sa Google

Sinadya raw ng pharmacist na empleyado ng Aurora Medical Center sa Grafton, Wisconsin na alisin sa cold storage ang 57 vials ng bakuna na ikinasira ng mga ito. Ang bawat vial ay naglalaman ng 10 doses. Halos umabot sa 60 ang naturukan nito bago napagtanto ng mga hospital officials na hindi na iyon epektibo dahil mahabang oras nang wala sa cold storage.

Ang natitirang 500 doses ng sira nang COVID-19 vaccine ay itinapon na lang.

Ayon kay Dr. Jeff Bahr, ang presidente ng Aurora Health Care Medical Group, tiniyak umano ng Moderna, Inc., ang pharmaceutical company na gumawa ng naturang vaccine, na walang panganib na dulot sa kalusugan ang ineffective vaccine maliban sa hindi protektado laban sa COVID-19 ang mga naturukan nito.

Aniya, naipagbigay-alam na ito sa mga nabigyan ng ineffective doses ng bakuna at kailangang silang mabakunahan ulit.

Imahe mula sa St. Mary’s General Hospital

Sinabi pa ni Dr. Bahr na walang tampering na ginawa sa COVID-19 vaccine maliban sa inalis lang ang mga iyon sa cold storage.

Ayon naman sa Grafton police, sinadya ng suspek ang ginawa. Alam daw nito na useless ang spoiled vaccine at ang iisipin daw ng mga nabakunahan nito ay protektado sila sa COVID-19 kahit sa totoo ay hindi.

Imahe mula sa SCMP

Hindi pinangalanan ng Aurora Medical Center ang empleyado nila na nakapiit na sa Ozaukee County jail at nahaharap sa mga kasong recklessly endangering safety, adulterating a prescription drug at criminal damage to property.

Subalit batay sa record ng Ozaukee County Jail, isang nagngangalang Steven Brandenburg ang ikinulong doon noong Huwebes, December 31, na nahaharap sa mga ganoon ding reklamo – mga kaso na isinampa laban sa pharmacist ng Aurora Medical Center.

Imahe mula sa Ozaukee County Sheriff

Si Brandenburg ay isa ring licensed pharmacist batay sa records ng Wisconsin.

Loading…