
- Binuksan na sa pinakamalaking pampublikong pa
gamutan sa Ilocos Norte ang Human Milk Bank - Ang HMB ay itinatag upang suportahan ang nutrisyon at proteksyon ng mga sanggol, lalo na ang mga isinilang nang premature at undernourished
- Layunin ng proyektong ito na matugunan ang kakaunting bilang ng mga HMB sa bansa kung saan marami ang bumabalewala sa kahalagahan ng gatas ng ina para sa development ng mga newborn babies
Noong nakaraang buwan ay pormal nang binuksan ang isang Human Milk Bank (HMB) sa pinakamalaking pampublikong pagamutan sa Ilocos Norte – ang Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center (MMHMC). Iyon ang kauna-unahang HMB sa Ilocos region.

Ang HMB ay itinatag upang suportahan ang nutrisyon at proteksyon ng mga sanggol, lalo na ang mga isinilang nang premature at undernourished.
Ayon kay Dr. Rocamia Fermin, mahalaga ang papel na gagampanan ng mga HMB sa mga lugar na sinalanta ng mga sakuna dahil tinitiyak nito na ang mga sanggol sa mga evacuation centers ay mabibigyan ng ligtas na pagkain sa pamamagitan ng donated mother’s milk.
Ang pagtatatag ng HMB ay bahagi ng pangako ng MMHMC na palalakasin ang pagkilala dito ng Department of Health bilang “Mother-Baby Friendy Hospital.”
Sinabi ni HMB adviser Dr. Maria Paz Virginia Otayza na ang pasilidad ay bukas hindi lang para sa mga residente ng Ilocos Norte kung hindi maging sa mga naninirahan sa mga kalapit-probinsya kabilang ang Ilocos Sur, Cagayan at Abra.

Layunin ng proyektong ito na matugunan ang kakaunting bilang ng mga HMB sa bansa kung saan marami ang bumabalewala sa kahalagahan ng gatas ng ina para sa development ng mga newborn babies.
Ang naturang HMB ay mayroong pasturizer, malaking bio-refrigerator, hospital grade na milk pumps, milk analyzers, dispensers, sterilizers, freezers at medical refrigerators.
