I-tag n’yo na lola n’yo: Disney naghahanap ng Pinay na gaganap na lola sa pelikula

Imahe mula sa Pixabay
  • Naghahanap ang Walt Disney Studios ng isang Pinay na gaganap na isang lola sa ginagawang pelikula
  • Mula 50 hanggang 90 ang edad ang kailangan at dapat fluent sa English kahit walang professional acting experience
  • Hindi sinabi kung para saang pelikula ang role, pero posible raw na para sa Spider-Man 3 ito na kasalukuyang ginagawa sa Atlanta, Georgia

Naghahanap ang Walt Disney Studios, isang American mass media and entertainment conglomerate, ng isang Pinay na gaganap na “lola” sa ginagawa nitong pelikula.

Imahe mula sa The Walt Disney Studios

Ang hinahanap na qualifications para sa role ay may edad na 50 hanggang 90, Filipino o kaya ay Filipino-American, fluent sa English at kailangang awtorisadong magtrabaho sa United States na ang ibig sabihin ay maaaring isang US citizen, green card holder o mayroong O-1 visa.

Ang O-1 visa holder ay ang mga indibidwal na may extraordinary ability sa larangan ng sciences, arts, education, business o athletics. Maaari rin na mayroong extraordinary achievement sa motion picture o sa telebisyon na nabigyan ng pagkilala nationally o internationally dahil sa kanilang achievement.

Kailangan din na handang bumiyahe ang mapipiling aplikante patungong Atlanta, Georgia kung saan ginagawa ang pelikula na hindi binanggit kung ano ang pamagat.

Ang shooting para sa papel na lola na gagampanan ng masuwerteng aplikante ay ilang araw gagawin simula sa kalagitnaan ng Pebrero 2021.

Imahe mula sa Project Casting

Para mag-apply, kailangang magpadala ng isang maiksing video na ipinakikila ng aplikante ang sarili, nagbabahagi ng kwento tungkol sa kanyang pamilya at mga bagay na paboritong gawin. Maaaring ibahagi ang kwento sa English, Tagalog  o anumang lengguwahe o diyalekto sa Pilipinas, pero importante na gawin sa English ang pagpapakilala sa sarili.

Ang video ay maaaring ipadala sa [email protected]

Hindi kailangan ang professional acting experience para makapag-apply.

Walang sinabi kung para saang pelikula ang lola role, pero posible raw na para sa Spider-man 3 ito na kasalukuyang ginagawa sa Atlanta, Georgia. Maari raw na ang role ay lola ni “Ned,” ang Pinoy bestfriend ni Peter Parker.

Imahe mula sa The Direct

Loading…