Igorot mula sa Kalinga, pinakabatang Cordilleran na naging heneral

  • Isang Igorot ang pinakabatang Cordilleran na naging heneral
  • Siya ay si Jaime Ramirez na 46 taong gulang mula sa Takbuk City, Kalinga
  • Nagmula siya sa Philippine National Police Academy (PNPA) Kabalikat Class of 1998

Si FCSUPT Jaime Dollente Ramirez, na mula sa Tabuk City, Kalinga at isang proud Igorot, ang maituturing na pinakabatang heneral sa Cordillera. Siya ay 46 na taong gulang lamang.

Idinaos ang seremonya ng pagtatalaga sa kaniya sa RHQs Ground, BFP Regional Office 4A, Camp BGen Lim, sa Calamba City, Laguna noon pang Oktubre 9, 2020. Ang naturang seremonya ng pagtatalaga ay dinaluhan ng mga panlalawigang direktor ng CALABARZON kasama ang mga Commissioners at Non-Commissioned Officers mula sa Regional Office 4A.

Public Domain Image

Bagama’t ito ay dinaluhan ng mga tao, tumalima naman sila sa public health standards batay sa mga patakarang itinadhana ng Department of Health o DOH at Inter-Agency Task Force o IATF.

Umani naman ito ng pagbati mula sa mga netizens, lalo na sa mga kababayan niyang Igorot.

“Congratulations General Ramirez. We are proud of you. God bless and more power!” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Congrats sir. I’m sure that the Igorots are very proud of you. We salute you sir, keep up the good work!

“Salute to you sir, hopefully your loyalty and patriotism will be for the Constitution, the people, and the Sovereignty. Kudos!” pagbati naman ng isa.

Wika naman ng isa, “Kudos po! Make your kababayans proud!”

Natapos ni FCSUPT Ramirez ang elementarya sa Tabuk Central School at sekundarya naman sa Tabuk National High School.

Napabilang siya sa Philippine National Police Academy (PNPA) Kabalikat Class of 1998. Siya ang kauna-unahan mula sa kaniyang class na naging heneral.

Public Domain Image

Siya ang Regional Director ng Bureau of Fire Protection ng Region 4A CALABARZON.

Pagbati po sa inyo, FCSUPT Jaime Dollente Ramirez! Isa kang inspirasyon sa iyong mga kababayan sa Cordillera!

Loading…