Imahe ng tatlong baboy sa kweba tinatayang iginuhit mahigit 45,500 years na ang nakalilipas

Imahe mula sa Griffith University
  • Natagpuan sa isla ng Sulawesi sa Indonesia ang pinaniniwalaang pinakamatandang cave paintings sa buong mundo
  • Makikita sa paintings ang tatlong baboy at ilang handprints
  • Gamit ang technique na tinatawag na uranium-series dating, napag-alamang ang cave paintings ay 45,500 years old na o mas matanda pa

Natagpuan ang pinaniniwalang pinakamatandang cave paintings sa buong mundo sa isang tagong kuweba sa isla ng Sulawesi sa Indonesa.

Imahe mula sa Griffith University

Makikita sa iginuhit na mga imahe sa loob ng Leang Tedongnge limestone cave ang tatlong warty pigs at dalawang handprints. Nadiskubre ito ng archaeologist na si Basran Burhan, isang Ph.D student sa Griffith University sa Australia, noong December 2017.

Naghahanap noon si Burhan, kasama ang isang maliit na grupo, sa mga kuweba sa South Sulawesi ng mga bakas ng mga aktibidad ng mga sinaunang tao nang madiskubre nila ang cave paintings.

Ang kuweba ay natagpuan sa isang tagong lugar na napalilibutan ng mga limestone cliffs. Mula sa pinakamalapit na kalsada ay isang oras ang lalakarin bago iyon marating. Ayon sa mga lokal na residente, mapupuntahan lang ang kuweba kapag dry season dahil palaging binabaha ang lugar kapag tag-ulan.

Screenshot mula sa video ng Griffith University

“I was struck dumb. It’s one of the most spectacular and well-preserved figurative animal paintings known from the whole region and it just immediately blew me away,” sambit ni Adam Brumm, isang archaeologist ng Griffith University na naglathala ng ginawang pag-aaral sa naturang cave paintings sa Science Advences journal noong Miyerkules, January 13.

Ayon kay Brumm, gumamit sila ng technique na tinatawag na uranium-series dating upang malaman kung ilang taon na ang mineral formation na namuo sa ibabaw ng cave paintings. Lumabas sa pagsusuri na ang mineral formation ay nabuo 45,500 years ago.

Imahe mula sa Griffith University

“This makes the painting at least that age but it could be much older because the dating that we’re using only dates the calcite on top of it,” paliwanag ng archaeologist.

Sa kanilang palagay, sinabi ni Brumm na ang cave paintings na natagpuan ay ang pinakamatandang depiksyon ng animal world sa buong planeta.

Loading…