Ina hinahanap ang walong ipinaampong anak na iba-ibang lahi ang mga ama

Screenshot mula sa KMJS video
  • Isang ina hinahanap ang mga anak na ipinaampon
  • Walo ang anak ni Lyka na bukod sa iba-iba ang ama ay iba-iba rin ang lahi ng mga ito
  • Inilahad ni Lyka sa KMJS ang kuwento ng buhay niya bilang isang “akyat-barko”

Walong beses nagsilang si Lyka, ngunit ang lahat ng naging supling ay ipinaampon niya. Iba-iba ang tatay ng mga bata at ang anim sa kanila ay mga foreigners ang ama. Parang United Nations daw ang mga anak ni Lyka, sabi ng mga nakakakilala sa kanya.

Screenshot mula sa KMJS video

Arabo ang tatay ng una at ikalawa niyang anak, Russian  naman ang ama ng ikatlo, Pakistani ang ika-apat, Indian ang pang-lima at Greek ang pang-anim. Kapwa Pinoy naman ang ama ng pang-pito at pang-walong anak ni Lyka.

Ikinuwento ni Lyka sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang naging buhay niya sa Maynila bilang isang “akyat-barko” na nagbibigay ng panandaliang aliw sa mga banyagang tripolante ng mga barkong nakadaong sa Manila Bay.

Tubong-Davao si Lyka na naglayas patungong Maynila noong disi-nuwebe anyos siya taong 1986. Mula sa pier ay napadpad daw siya sa Luneta. Wala siya ni isang kamag-anak sa Maynila kaya pinasok niya ang kahit anong trabaho upang mabuhay.

Screenshot mula sa KMJS video

Pagiging waitress daw ang una niyang pinasok na trabaho sa Mabini Street sa Ermita hanggang sa natuklasan niya ang kalakaran sa mga pantalan. Nakita raw niya sa mga kakilalang babae na maraming pera sa tuwing bababa mula sa barko. Hindi nagtagal ay naging isa na rin siyang “akyat-barko.”

Sa walong anak, may komunikasyon lang si Lyka sa anak niyang half-Russian at isang Pinay.

Naikuwento ni Lyka sa KMJS na ang ika-apat niyang anak na half-Pakistani ang hindi niya makalimutan. Sa pamamagitan ng anak niyang half-Russian ay natunton niya ito.

May kimkim na sama ng loob ang half-Pakistani niyang anak dahil parang tuta raw silang ipinamigay, pero nang malaman ang naging buhay ng ina ay napalitan ng awa ang galit.

Screenshot mula sa KMJS video

Sa tulong ng KMJS ay nagkita ang mag-ina. Nanawagan din si Lyka sa mga taong umampon sa kanyang mga anak na sana ay makipag-ugnayan sa kanya upang magkita-kita silang mag-iina

Tunghayan sa video ng KMJS ang kuwento ng buhay ni Lyka:

Loading…