Isa sa kada apat na NCR residents lang ang handang magpainiksyon ng COVID-19 vaccine

Imahe mula sa Nikkei Asia
  • Batay sa survey na ginawa ng OCTA Research Group, 25% lang ng Metro Manila residents ang handang magpabakuna kontra COVID-19
  • Karamihan sa mga handang magpabakuna ay kabilang sa ABC socio-economic classes
  • 81% naman ng survey respondents ang nagsabing “approved” sa kanila ang tugon ng pamahalaan para pigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa

Beinte singko porsyento lang o isa sa kada apat na residente ng Metro Manila o National Capital Region (NCR) ang handang magpabakuna kapag available na sa bansa ang ligtas at epektibong COVID-19 vaccine, ayon sa isinagawang survey ng OCTA Research Group.

Imahe mula sa SCMP

Sa natitirang 75%, karamihan ay hindi pa makapagdesisyon (47%) at ang iba ay nagsabing ayaw magpabakuna (28%).

Ang survey ay ginawa sa NCR noong December 9-13, 2020. May titulo itong “Willingness to get vaccinated against COVID-19.” Six hundred ang survey respondents na ang edad ay 18 pataas.

Sa mga socio-economic classes, mas maraming kabilang sa ABC classes ang nagsabing handa silang magpabakuna.

Ang mga nasa ABC classes din ang may pinamakataas na porsyento rin na nagsabing hindi pa makapagsabi kung magpapakauna o hindi. Sila naman ang may pinakamababang porsyento sa mga nagsabing hindi magpapabakuna.

Imahe mula sa OCTA Research Group

Ang OCTA Research Group, na regular na nagbibigay ng projection sa bilang ng COVID-19 cases sa bansa, ay binubuo ng mga professor mula sa University of the Philippines, University of Santo Tomas at ng Providence College sa Estados Unidos.

Sa isa pang survey ng grupo na ginawa sa kaparehong petsa na pinamagatang “Approval/Disapproval of the national government’s response to prevent the spread of COVID-19 in the country,” umabot sa 81% ang sumagot ng “approve” sa kanila ang ginagawa ng pamahalaan.

Imahe mula sa OCTA Research Group

Anim na porsyento lang sumagot ng “disapprove.”

Samantala, nang hingan ng komento hinggil sa nasabing survey, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi siya makapagbibigay ng kasagutan dahil hindi niya alam ang methodology na ginamit at hindi rin niya alam ang track record ng grupong nagsagawa ng survey.

 

Loading…