Isabel Oli proud sa postpartum body matapos isilang ang ikatlong anak

Imahe mula sa Instagram | Isabel Oli
  • Matapos na isilang ang ikatlong anak nila ni John Prats ay aminado si Isabel Oli na mahirap nang ibalik sa dati ang kaniyang figure
  • Sa kabila nito ay mas pinahahalagahan niya raw ang pagiging fit and healthy at bonus na lamang kung maibalik sa dati ang figure niya
  • Sa ngayon ay na-appreciate niya raw ang kaniyang katawan

Limang buwan matapos na isilang ang pangatlong anak nila ng asawang si John Prats ay aminado ang aktres na si Isabel Oli na times three rin ang kaniyang struggle upang maibalik sa dati ang kaniyang katawan.

Imahe mula sa Instagram | Isabel Oli

“Trying to strike a pose, hiding the excess fats on my five-month postpartum body, and smiling at the same time equals happy momma,” sabi ni Isabel sa caption ng kaniyang post.

Ngunit ngayon daw ay ina-appreciate niya na lamang ang kaniyang katawan.

“Being preggy three times, I noticed that getting back in shape is three times harder too!” aniya pa.

Hindi raw figure kundi ang pagiging fit and healthy ang kaniyang priority sa ngayon. “Oh well, I love my body. I am just trying to stay healthy and fit which is so important and gaining back my old figure for me now is just a bonus,” pag-amin niya.

Imahe mula sa Instagram | Isabel Oli

Marso noong 2020 nang ianunsyo ng mag-asawa ang good news tungkol sa pagdadalantao ni Isabel.

“In the thick of what’s happening, don’t forget to still count your blessings. We happened to have one big blessing that we all would like to share to you. Hoping our news will bring smiles to your faces,” sabi noon ni Isabel kalakip ang family photo nila kung saan kita ang kaniyang baby bump.

Hulyo nang isilang ni Isabel ang ikatlong anak nila ni John na si Forest. April 2016 nang isilang ni Isabel ang kanilang unang anak na si Lily Feather. Nasundan naman ito noong November 2018 nang ipanganak niya si Daniel Freedom.

Loading…