“James Bond ng Pilipinas” na si Tony Ferrer, mapayapang yumao sa edad na 86

Imahe mula sa Facebook account ni Mutya Laxa Buensuceso
  • Kinumpirma ni Mutya Crisostomo Laxa-Buensuceso ang pagyao ng amang si Tony Ferrer
  • Mapayapa umano ang paglisan ng ama habang natutulog ito noong Sabado, ika-23 ng Enero
  • Sinunod ng mga kaanak Ang huling kahilingan ng aktor na walang public viewing sa kanyang mga labi

Kinumpirma ng dating beauty queen/actress na si Mutya Crisostomo Laxa-Buensuceso ang pagyao ng kanyang amang si Tony Ferrer sa edad na 86 noong Sabado, ika-23 ng Enero 2021.

Imahe mula sa Facebook account ni Mutya Laxa Buensuceso

Mapayapa umano ang naging paglisan ni Tony Ferrer habang natutulog ito sa kanyang tahanan.

“On 23 January 2021, our beloved father, friend, and Philippine movie industry treasure Antonio D. Laxa popularly known as Tony Ferrer joined our Creator quietly in his sleep and in the comfort of his home. He was 86 years old,” post ni Mutya sa kanyang Facebook account.

Naabot ni Tony Ferrer ang rurok ng tagumpay bilang isang aktor dahil sa pagganap niya bilang si Tony Falcon, a.ka. Agent X-44, sa spy movie series noong dekada sisenta. Una siyang lumabas sa pelikula na pinagbidahan ni Fernando Poe Jr noong taong 1960.

“Our Dad as Tony Ferrer became an action movie superstar with his most iconic role as Tony Falcon in the Agent X44 movie series. He appeared in 203 movies,” ayon pa kay Mutya.

Imahe mula sa Facebook account ni Mutya Laxa Buensuceso

“During his last days, he was surrounded by the care of his San Antonio family, the love of his children, and the joy and songs of his grandchildren. He was a remarkable, selfless man who always thought of others first, impacting a lot of lives on and off screen. We shall all remember him with fondness,” dagdag pa niya.

Sinunod ng mga kaanak Ang huling kahilingan ng aktor na walang public viewing sa kanyang mga labi.

Apo ni Tony Ferrer ang aktor na si Donny Pangilinan sa anak niyang si Maricel Laxa-Pangilinan.

Imahe mula sa Instagram account ni Donny Pangilinan
Source :

Facebook, Push

Loading…