Janine Gutierrez opisyal na Kapamilya na; sino-sino nga ba ang mga nais niyang makatrabaho?

  • Opisyal na ngang ipinakilala ng ABS-CBN o Kapamilya Channel ang kanilang pinakabagong Kapamilya na si Janine Gutierrez
  • Nilisan ni Janine ang GMA Network na nagsilbing tahanan niya sa loob ng siyam na taon upang subukan ang kaniyang showbiz career sa Kapamilya Network
  • Bukod sa mga sikat na artista, pangarap daw niyang makatrabaho ang mahuhusay na manunulat at direktor ng Kapamilya Network

“Hello Kapamilya!”

Opisyal na ngang ipinakilala ng ABS-CBN o Kapamilya Channel ang kanilang pinakabagong Kapamilya na si Janine Gutierrez nitong Enero 15, 2021. Makikita rin ito sa kaniyang Instagram post.

Imahe mula sa Instagram account ni Janine Gutierrez

Nilisan ni Janine ang GMA Network na nagsilbing tahanan niya sa loob ng siyam na taon upang subukan ang kaniyang showbiz career sa Kapamilya Network, sa kabila ng kawalan nito ng prangkisa dahil sa pagbasura ng Kongreso na makakuha sila nito noong 2020. Dumalo sa pagpirma niya ng kontrata ang mga ABS-CBN Bosses na sina Mark Lopez, Cory Vidanes, at Carlo Katigbak.

Excited na umano si Janine sa mga nakalinyang proyekto niya sa Kapamilya Network. Bukod sa mga sikat na artista, pangarap daw niyang makatrabaho ang mahuhusay na manunulat at direktor ng Kapamilya Network. Binanggit din niya na nais niyang makatrabaho ang mga Kapamilya artists na sina Paulo Avelino, Jericho Rosales, Angelica Panganiban, Angel Locsin, at marami pang iba.

Is Janine Gutierrez transferring to ABS-CBN by 2021?

Sa pagpasok ng Enero 2021 ay naging mainit na ang bulung-bulungan na lilipat na si Janine mula sa pagiging Kapuso patungong Kapamilya. Marami rin ang nagbigay ng kanilang espekulasyon na kaya hindi na ni-renew ang kaniyang kontrata sa Kapuso Network, ay dahil sa naging patutsada niya sa muling pagbabalik ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa naturang TV network. Binatikos din siya ng kilalang kolumnista at talent manager na si Manay Lolit Solis.

Imahe mula sa Twitter account ni Janine Gutierrez

Nagpaabot naman ng pagbati ang mga tagahanga at tagasubaybay ni Janine na nakasuporta sa career move ng aktres.

“Welcome, Kapamilya Janine! She’s now reunited with his relatives who also work in the network,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Mas lalong gagaling ka at makikilala ka bilang isang artista! Congratulations, Janine!”

“Maybe malaki ang offer sa kaniya ng ABS-CBN or gusto niyang mahasa pa ang talent niya, syempre halos lahat ng magagaling na actor at actress ng showbiz ay nasa Kapamilya Network,” ayon naman sa isa.

Nasa Kapamilya Network din ngayon ang kaniyang inang si Lotlot De Leon na nasa teleseryeng “Walang Hanggang Paalam” na tumatayong ina ni Angelica Panganiban. Samantala, ang kaniya namang nobyo na si Rayver Cruz na dating Kapamilya ay certified Kapuso na ulit simula pa noong 2018. Tila nga nagkapalitan ang dalawa.

Public Domain Image

Congratulations, Janine!

Loading…