Japanese-American actor na si Luke Plowden “male version” daw ni Liza Soberano?

  • May male version daw ang Kapamilya actress na si Liza Soberano
  • Ito ay si Luke Plowden na isang Japanese-American subalit aktor sa Thailand
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Marami sa mga tagahangang Pilipino ng foreign actor na si Luke Plowden ang nagsasabing siya ang “male version” o kahawig na artistang lalaki ni Liza Soberano, ang ABS-CBN Kapamilya actress na ilang beses nang napabilang sa listahan ng Forbes List bilang isa sa mga babaeng may pinakamagandang mukha sa buong mundo.

Ayon sa Twitter post ng Japanese-American actor na nakabase sa bansang Thailand, marami raw sa mga tagahanga niyang Pilipino ang nagta-tag sa kaniya at nagsasabing kamukha nga raw niya si Liza. Binanggit naman niya ang pangalan nito at nai-tag ang aktres, kalakip ang larawan niya at larawan nito.

Imahe mula sa Twitter account ni Luke Plowden

[email protected], I’ve heard from many Filipino fans that I kinda look like a male version of you, I guess I can see that,” saad niya sa kaniyang caption.

Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang reaksyon at komento rito. May mga sumang-ayong magkahawig o may resemblance nga sila.

“Hahaha oo nga, pero parang may anggulo lang. I thought you wanna pair up with her in a project when I first saw this,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Yes, I agree. You really look like Liza, grabe!”

“OMG YES! You are right, Luke. Hope you can meet Liza soon and make a movie together in the future. Hopefully!” wika naman ng isa.

Subalit may ilan din namang nagsabing hindi sila magkawangis.

“Parang ang layo naman! Hindi po,” sabi ng isa.

Pahayag naman ng isa, “I literally checked if this is Luke’s real account hahaha, pero ang masasabi ko lang, hindi po kayo magkamukha.”

Public Domain Image

Si Luke ay 24 taong gulang, kagaya ni Liza. Siya ay mapapanood sa series na “Wake Up Ladies: Very Complicated,” at sa susunod naman ay sa kaniyang unang lead role sa “Oh My Boss” sa ilalim ng GMMTV production. Samantala, wala pa namang tugon o reaksyon si Liza hinggil dito.

Loading…