Jessie J hindi makarinig at makalakad nang maayos dahil sa isang uri ng karamdaman

  • May iniindang karamdaman ang sikat na mang-aawit na si Jessie J
  • Ito ay tinatawag na Ménière’s disease
  • Kung hindi naagapan, maaaring mawala ang kaniyang pandinig

Inamin ng sikat na English singer-songwriter na si Jessie J na ipinagdiwang niya ang Kapaskuhan sa isang ospital sa Los Angeles, California, USA dahil sa isang kondisyon na tinatawag na “Ménière’s disease.”

Makikita mismo sa Instagram post ni Jessie J ang paliwanag sa kaniyang kalagayan. Kung hindi raw naagapan, maaaring maging permanente na raw ang pagkawala ng kaniyang pandinig.

Imahe mula sa Instagram account ni Jessie J

Saad ng Price Tag singer: “I woke up and felt like I was completely deaf in my right ear, couldn’t walk in a straight line. Basically I got told I had Ménière’s syndrome. I know that a lot of people suffer from it and I’ve actually had a lot of people reach out to me and give me great advice, so I’ve just been laying low in silence.”

“Now’s the first time I’ve been able to sing and bear it. I just miss singing so much and being around anyone,” dagdag pa niya.

Sa isa pang Instagram post na pinamagatan niyang “Grateful,” inisa-isa niya ang sampung bagay na kaniyang ginawa habang siya ay nasa ospital, sa bisperas mismo ng Pasko. Ilan sa mga ito ang pagtetext sa kaniyang mjga kaibigan, pakikinig sa Christmas music, at panonood ng “Queens Gambit.” Kahit na ganito ang kaniyang naranasan, grateful pa rin naman daw siya.

“BIG weird non traditional Christmas Eve vibes… Sending LOVE to everyone who needs it, is or isn’t alone. We all need some extra love. This Christmas might be a little off. BUT one in a lifetime isn’t bad when some people haven’t had one good one in their lifetime. Think about what you do have this week, not what you don’t.” wika niya.

Imahe mula sa Instagram account ni Jessie J

Hangad natin ang mabilis na recovery ni Jessie J!

Loading…