Jimuel Pacquiao miyembro na ng “The Squad plus” ng ABS-CBN

Screenshot mula sa The Squad Plus video
  • Isa si Jimuel Pacquiao sa bagong miyembro ng The Squad Plus ng ABS-CBN
  • Ang The Squad Plus ay kilala dati bilang The Gold Squad na ang original members ay sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, kyle Echarri at Francine Diaz
  • Ang dating The Gold Squad ay tinatawag na ngayong The Squad Plus

Makalipas ang isang taon mula nang pumirma sa ilalim ng Star Magic, ang training at management subsidiary ng ABC-CBN Corporation, ay handang-handa nang sumabak sa showbiz ang panganay na anak nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel.

Imahe mula sa World Boxing News

Isa si Jimuel sa labindalawang bagong members ng “The Gold Squad” na ngayon ay tinatawag nang “The Squad Plus.

Ang mga orihinal na miyembro ng The Gold Squad ay sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Seth Fedelin at Kyle Echarri, ang teen cast ng “Kadenang Ginto” na napanood sa telebisyon mula 2018 hanggang 2020.  Nabuo ang grupo matapos maging real-life barkada ang apat dahil sa halos araw-araw na pagsasama sa set ng naturang teleserye.

Dahil sa pagpasok ng mga bagong members sa grupo, binago na ang pangalan ng The Gold Squad at tinatawag na ito ngayong The Squad Plus.

Sa pinakabagong video sa YouTube channel ng The Gold Squad, na ngayon ay The Squad Plus na nga, ay ipinakilala nina Andrea, Seth, Kyle at Francine ang mga bago nilang barkada, kabilang si Jimuel Pacquiao.

Imahe mula sa ABS-CBN

Bilang pagpapakilala, ang bawat bagong miyembro ay kailangang magsabi ng mga bagay tungkol sa kanyang sarili.

Narito ang mga sinabi ni Jimue ltungkolsa sarili: Emmanuel Pacquiao, Jr. daw ang tunay niyang pangalan at ang nickname na Jimuel ay hango sa pinagsamang pangalan ng ina at ama – Jinkee at Emmanuel. Talaga raw nahilig siya sa pagboboksing, pero sinubukan din niya ang swimming at chess.

Tulad ng kapatid niyang si Michael, mahilig din siya sa musika. Aniya, trained daw silang magkakapatid sa mga instrumento at nag-excel siya sa gitara habang si Michael ay sa piano.

Screenshot mula sa The Squad Plus video

Bukod sa paggigitara, sinabi ni Jimuel na miyembro siya ng banda sa school na pinapasukan at saxophone ang instrumentong hawak niya.

Higit sa lahat sinabi niya na pinalaki siya ng mga magulang na magkaroon ng pananampalataya sa Panginoon. Aniya, importante sa kanya ang kanyang faith.

Source :

ABS-CBN

Loading…