Jolina ibinahagi ang lumang liham ni Marvin Agustin

Imahe mula sa Instagram | Jolina Magdangal
  • Sa kaniyang birthday greeting sa dating ka-love team na si Marvin Agustin ay nagbahagi si Jolina Magdangal ng lumang larawan ng aktor
  • Aniya, ibinigay ito sa kaniya ni Marvin noon
  • Sa likod ng larawan ay may dedication din si Marvin na nagpa-throwback to 90s kay Jolina

Isa ang tambalang Marvin Agustin at Jolina Magdangal sa pinakasikat na love team noong 90s kaya naman natuwa ang kanilang fans nang magbahagi ang huli ng lumang larawan ng aktor na nagdiwang kamakailan ng kaniyang kaarawan.

Imahe mula sa Instagram | Jolina Magdangal

Sa pagbati ni Jolina kay Marvin sa Instagram ay ipinost niya ang black and white photo ni Marvin na may kasama pang dedication sa likod.

“Labtim!!! Binati na kita kanina sa Magandang Buhay pero gusto pa rin kitang i-post. Naaalala mo ba itong picture na ito na pinilit mo sa akin ibigay? At ang dedication ha. Natawa ako sa PS mo, lalo tuloy nahalata na 90s pa ‘yong picture” ani Jolina sa caption.

Kalakip din sa post ni Jolina ang handwritten dedication ni Marvin.

“Jolina, Ese, Jules, Ella, Jolai, Tukmol, Lorenz, Hi! Sorry medyo late kasi pinuno ko pa ng names,” panimula ni Marvin.

Imahe mula sa Instagram | Jolina Magdangal

“Anyway, ito na ‘yong pinakaguwapong picture. If ever na magalit ka sa’kin h’wag mong pupunitin. Sana walang maglayo sa’tin kahit anong mangyari ‘coz I’m very very happy to be part of your life even love team lang (Sana may kasunod pa! Joke lang),” biro pa ng aktor.

Pinaalala rin ni Marvin na lagi siyang nariyan para kay Jolina. “Always take care of yourself. Always remember that I’m here whenever you need a friend, buddy! Love, Marvin.”

May pahabol din ito na “PS, Sana ipabasa mo na ‘yong pager mo sa’kin.”

Nagpasalamat naman si Marvin sa pagbati ni Jolina, “Buo na birthday ko!!! Yes, kakapanood ko lang nung video. Salamat my beautiful and sexy and kind labtim!!! See you soon!!!”

Happy birthday, Marvin!

Source :

Instagram

Loading…