Jolina Magdangal nabiktima ng pekeng online seller ng halaman

Imahe mula sa Instagram account ni Jolina Magdangal
  • Na-scam ng pekeng online seller si Jolina Magdangal
  • Umorder daw siya ng mga cactus at nagbayad gamit ang Gcash
  • Hindi dumating ang order na halaman at hindi na ma-contact ng aktres ang online seller

Pinag-iingat ni Jolina Magdangal ang mga plantito at plantita sa pakikipagtransaksyon sa mga online sellers upang hindi matulad sa naging karanasan niya sa isang pekeng seller ng mga halaman.

Imahe mula sa Instagram account ni Jolina Magdangal

Kuwento ng aktress at TV host, nabiktima siya ng isang online seller ng mga cactus sa Facebook (FB) Marketplace. “Samantha” raw ang pangalan ng seller. Sabi niya, naengganyo siyang umorder ng Golden Barrel  cactus at iba pang uri ng ganitong halaman dahil sa murang presyo lang daw ibinebenta.

“Last Sunday, na-scam ako ng isang seller ng mga cactus sa FB Marketplace. Sa kagustuhan ko makabili ng golden barrel, may isang seller na nagbebenta ng sobrang mura. Bumili tuloy ako sa kanya ng 3 GB at 7 pang kakaibang cactus,” sabi niya.

Maayos naman daw kausap ‘yung seller na binayaran niya gamit ang Gcash.

“Ang ayos kausap, English-speaking pa. Mode of payment ay GCash. Hapon ang huling text niya ay pa-deliver na ang mga order ko. At ‘yun na ang huling text niya, nagme-message ako noong gabi hanggang Monday after lunch. Wala na,” kuwento pa ni Jolina.

Imahe mula sa Instagram account ni Jolina Magdangal

Ino-off daw ni “Samantha” ang cellphone kapag tumatawag siya, pero nang ang mister niyang si Mark Escueta ang nag-message sa FB Marketplace sa seller upang kunwari ay oorder, sumagot daw ito.

“Pinapatay na ang tawag sa GCash number na binigay niya. Minessage pa siya ni Mark sa FB Marketplace para kunyari mag-oorder at sumasagot! Pero sa akin ay wala na. At noong sinabihan ni Mark na asan na mga order ng asawa ko… hindi na sinagot si Mark, at ‘di na namin siya ma-search,” malungkot na kuwento ng aktres.

Sabi pa niya, nakikita ng Diyos ang lahat at ipinagdasal na niya ang manlolokong online seller.

Imahe mula sa Instagram account ni Jolina Magdangal

Loading…