Joshua Garcia umaming muntik lumipat ng tv network matapos ang ABS-CBN shutdown

  • Inamin ni Joshua Garcia na natakot siya sa kasagsagan ng isyu ng ABS-CBN shutdown
  • Dumating sa puntong naisip niyang lumipat ng TV network; kailangan niya ng siguradong mapagkakakitaan dahil siya ang breadwinner ng pamilya
  • Sa huli, nanaig pa rin ang loyalty niya sa Kapamilya Network 

Isa sa mga itinuturing na young bankable actors ng Kapamilya Network ang mahusay na aktor na si Joshua Garcia. Si Joshua Garcia ay isa sa mga naging produkto ng reality show na “Pinoy Big Brother: All In” bilang teen housemate. Nakita ang husay niya sa pag-arte, na dumating sa puntong inihambing siya kay John Lloyd Cruz at Aden Richards. Huli niyang nakatambal ang dating Star Magic artist na si Julia Barretto, na kalaunan ay naging ex-girlfriend niya.

Sa pagbasura ng Kongreso sa pagbibigay ng panibagong prangkisa sa ABS-CBN noong 2020, aminado ang aktor na sumagi sa isip niyang lisanin ang ABS-CBN at hanapin ang kaniyang kapalaran sa ibang network. Iyan ang inamin at tugon niya sa tanong ng kasamahang artistang si Enchong Dee sa vlog entry nitong “Honest Questions with Joshua Garcia” sa YouTube Channel ni Enchong.

Image capture mula sa YouTube channel ni Enchong Dee

Tanong ni Enchong, “What were your worries during the ABS-CBN shutdown?” na sinundutan niya ng tanong na kung sumagi ba sa isip nitong lumipat ng network.

“Parang tinanggap ko na lang sa sarili ko na magsasara na rin yung kompanya, na mawawalan ako ng trabaho… siguro mayroon pa rin pero hindi na kagaya ng dati na kaliwa’t kanan ‘yung ginagawa… hindi ako nagpupunta sa mga rally-rally, pero buo ang suporta ko sa ABS-CBN,” tugon ni Joshua.

Sumagi talaga sa isipan niyang lumipat ng network, subalit hindi raw niya nagawa dahil iba raw ang nabuong relasyon nila sa pagitan ng Kapamilya Network.

“Iba ang relationship na na-build ko with ABS eh. Parang ‘di ko sila kayang iwan. Yung loyalty ko nasa ABS. Siguro nadala lang ako kasi magsasara na ang ABS, tapos may pandemic pa, kailangan pang kumita ng pera para sa pamilya ko,” saad ni Joshua.

Public Domain Image

Naniniwala si Joshua na magiging maayos din ang lahat sa kaniyang home network sa takdang panahon.

Panoorin ang naturang panayam ni Enchong kay Joshua via YouTube channel:

Loading…