Karnaper galit na bumalik para isauli sa ina ang batang nasa loob ng kotseng tinangay

Imahe mula sa Pixabay
  • Isang lalaki ang tumangay ng kotse sa isang parking lot pero agad itong bumalik dahil may bata sa loob ng sasakyan
  • Pinagalitan ng kawatan ang ina ng bata at nagbanta pang magsusumbong sa pulisya bago nito pinaharururot ang kotse
  • Makalipas ang ilang oras ay natagpuan ang tinangay na sasakyan, pero ang kawatan ay hindi pa nahuhuli

Bumalik ang isang kawatan ng kotse sa parking lot kung saan niya tinangay ang sasakyan nang malaman niya na mayroong bata sa backseat ng kotse.

Screenshot mula sa KPTV video

Pinagalitan ng karnaper ang nanay ng 4-anyos na bata dahil sa ginawa nitong pag-iwan sa anak sa loob ng sasakyan. Inutasan pa nito ang ina na ibaba ang bata. Nagbanta rin ang hindi nakilalang lalaki na tatawag ng pulis bago nito pinaharurot ang sasakyan.

Batay sa report ng Beaverton Police sa Oregon, USA, ang may-ari ng kotse na si Crystal Leary ay sumaglit sa Basics Meat Market noong January 16, 2021 upang mabilis na bumili ng ilang kailangan. Iniwan niya ang anak sa loob ng sasakyan na umaandar ang makina. Nasa 15 feet lang daw ang distansya ng kotseng ipinarada mula sa tindahan.

Habang nasa tindahan siya ay doon na kinuha ng kawatan ang kotse.

“As moms we get really busy and we think we’re just running in for a second and this is just a perfect example of just letting our guards down and how terribly it could have ended, so I’m just thankful that he’s OK and it was so stupid and I’ll never do that again, but it’s that split second decision that could just change everything,” sabi ni Leary sa panayam.

Screenshot mula sa KPTV video

Ayon sa pulisya, hindi naman masama ang ginawa ng ina ng bata dahi natatanaw naman niya ang sasakyan mula sa loob ng tindahan, pero hindi raw nito dapat iniwang umaandar ang makina.

“What she did was not a crime. She was within sight and sound of her child. But she left the car running. So take that extra step, take the keys with you. It’s a good reminder to take extra precautions when we have our little ones with us,” ayon sa tagapagsalita ng Beaverton Police na si Officer Matt Henderson.

Makalipas ang ilang oras ay natagpuan ang sasakyan ni Leary, pero ang kawatan ay hindi pa nahuhuli.

Source :

WTOC

Loading…