Kasalukuyang hitsura ni Hollywood actress Demi Moore inulan ng samu’t saring reaksyon

  • Nasilayan sa runway ang aktres na si Demi Moore sa Paris Fashion Week
  • Isa raw ito sa kaniyang mga teenage dreams
  • Subalit marami ang nagulat sa kaniyang hitsura ngayon

Isa sa mga tinitingala at hinahangaang Hollywood actress si Demi Moore hindi lamang ng kaniyang mga kababayan kundi maging ng mga Pilipino, at iba pang mga lahi sa buong mundo. Bukod sa maganda na at makarisma, katangi-tangi rin ang kaniyang pagganap sa mga pelikulang nilahukan niya.

Kaya naman natuwa ang kaniyang mga tagahanga at tagasubaybayan nang muling masilayan ang kanilang idolo, matapos nitong rumampa sa  catwalk ng Paris Fashion Week nitong Miyerkules, Enero 27, 2021 na isa raw sa kaniyang teenage dream.

Sa kasalukuyan ay 58 taong gulang na ang aktres. Ibinahagi niya ang video clip sa mismong Instagram post niya.

Imahe mula sa Instagram account ni Demi Moore

Sinimulan ni Moore ang show sa kaniyang pagrampa sa catwalk habang suot ang off-the-shoulder black satin suit, na creation ng British designer na si Kim Jones para sa Fendi’s Spring-Summer 2021 collection ng Paris Haute Couture Fashion Week.

Ang iba pang stars na itinampok sa runway ay sina Kate Moss at kaniyang anak na babae na si Lila, Bella Hadid at Naomi Campbell.

Subalit samu’t sari naman ang naging reaksyon ng mga tao sa kaniyang looks ngayon. Tila nanibago sila sa ilang mga pagbabago sa kaniyang mukha, na tila dumaan daw sa cosmetic procedures. Narito ang ilan sa kanilang mga napansin.

“One of my favorite movies of her was Ghost… a little bit unrecognizable maybe because of surgery, nevertheless beautiful and sexy,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Unrecognizable. We can’t stop the aging process but we can get old gracefully and beautifully. We are very lucky to reach a prime age.”

“She is still pretty and classy. But I just don’t know why aging women need to do facial surgery, nothing will last forever. Just embrace the process,” wika naman ng isa.

Public Domain Image

Si Demi Moore ay isa sa mga A-list actress ng Hollywood, na nakilala sa kaniyang mga pagganap sa pelikulang “Ghost” noong 1990, “A Few Good Men” noong 1992, “Indecent Proposal” noong 1993, “Disclosure” noong 1994, at “Striptease” noong 1996, atbp. Naging kontrabida naman siya sa “Charlies’ Angels: Full Throttle” noong 2003.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Demi Moore (@demimoore)

Loading…