‘Kayo lang, masaya na ako’: Ina ni Ivana Alawi emosyonal sa brand new car mula sa aktres

Imahe mula sa video ni Ivana Alawi via YouTube
  • Niregaluhan ni Ivana Alawi ng bagong sasakyan ang kaniyang inang kilala bilang si Mama Alawi
  • Ngunit bago niya ito ibigay ay isinakatuparan muna nilang magkakapatid ang isang prank para rito
  • Emosyonal naman si Mama Alawi sa natanggap na regalo at sinabing sapat na para sa kaniya ang mga anak niya

Isang brand new car ang regalo ng aktres at YouTuber na si Ivana Alawi sa kaniyang ina sa pagsisimula ng taong 2021.

Sa kaniyang vlog ay ibinahagi ni Ivana ang prank na isinakatuparan nilang magkakapatid bago ibigay sa kanilang inang kilala bilang si Mama Alawi ang kaniyang bagong sasakyan.

Imahe mula sa video ni Ivana Alawi via YouTube

Sa simula ay nag-film muna sila ng question and answer vlog kung saan kunwari ay nagkapikunan at nagkasakitan sina Ivana at ang kaniyang kapatid na si Hashim. Lumabas si Hashim at nang sundan ng kanilang ina ay dito niya na nakita ang naghihintay na top of the line car niya.

Hindi niya napigilan ang pagiging emosyonal ngunit sinabi niya sa mga anak na hindi naman niya kailangan ng ganitong regalo.

“Ang sweet-sweet n’yo naman. Hindi ko naman kailangan ‘yan e. Kayo nga lang masaya na ako e,” aniya. “The best kids. Ano pang hihilingin mo, grabe. I love you all. Thank you so much. Wala na akong mahihiling pa being blessed with beautiful and loving kids.”

Imahe mula sa video ni Ivana Alawi via YouTube

Kuwento ni Ivana, nais niyang magkaroon muna ng sariling sasakyan ang kaniyang ina at mga kapatid bago siya bumili ng para sa sarili.

“Kaya ko binilhan si Mama ng kotse, gusto ko sila muna bago ako. ‘Pag lahat sila nakakuha na ng kotse, bibilhan ko na sarili ko,” paliwanag ng aktres.

Pinili niya rin daw ang pinakamahal na kotse para sa kaniyang ina dahil bilang “CEO” ng kanilang pamilya ay deserve niya ito. “Siyempre gusto ko ‘yong best para kay Mama… Ito ‘yong pinakamahal. Ito ‘yong pang-executive.”

Panoorin dito ang vlog ni Ivana:

Source :

YouTube

Loading…