KC Concepcion, Tim Yap pinagmulta ng tig-P1,500 dahil sa ‘di pagsusuot ng face mask

Imahe mula sa Instagram
  • Pinagmulta ng tig-P1,500 si KC Concepcion at Tim Yap dahil sa paglabag sa health protocols na ipinatutupad sa Baguio City
  • Naganap ang paglabag sa birthday party ni Tim yap na ginanap sa The Manor sa loob ng Camp John Hay
  • Maging ang asawa ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ay pinagmulta dahil sa pag-alis ng face mask habang nagpapalitrato sa naturang birthday party

Sa ginawang paglabag sa COVID-19 health protocols ng Baguio City, pinagmulta si KC Concepcion, Tim Yap at marami pang iba kabilang ang mismong asawa ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong. Ang mga paglabag ay naganap sa diumano ay magarbong birthday party ni Tim Yap na ginanap The Manor sa loob ng Camp John Hay Manor noong January 17.

Imahe mula sa Instagram account ni Tim yap

Multang tig-P1,500 ang ipinataw kay Tim Yap at kay KC Concepcion, na isa sa mga bisita sa party, dahil sa hindi pagsusuot ng face mask at hindi pagsunod sa physical distancing ordinance. Maging ang asawa ni Mayor Magalong na si Arlene Magalong ay pinagmulta rin dahil sa pagtanggal ng kanyang face mask habang nagpi-picture taking sa party ni Tim Yap.

Humingi na si KC Concepcion ng paumanhin dahil sa pangyayari.

“I do agree that keeping a mask on and not letting our guards down is the least we citizens could do. I personally apologize for not having kept my mask on 100% of the time during the gathering,” aniya.

Samantala, ayon sa Facebook post ng Baguio City Public Information Office, ang The Manor ay pinagmulta ng P9,000 dahil sa tatlong ordinansang nilabag nito. Bukod sa multa, nagbigay pa ito ng commitment na susunod na sa mga health protocols na isa sa mga requirements ng City Permits and Licensing Division bago makapag-renew ng business permit.

Imahe mula sa Baguio City PIO

Iniimbestigahan din ang The Manor dahil hindi ito kumuha ng clearance sa city government bago idaos ang birthday party ni Tim yap.

Ang mga birthday parties sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine ay pinapayagan subalit limitado lang dapat ang bilang ng mga dadalo.

Dahil sa pangyayari ay nag-alok ng resignation bilang contact tracing czar si Mayor Magalong, subalit tinanggihan iyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases. Ngunit ayon kay Mayor Magalong ang kanyang resignation ay irrevocable na.

Screenshot mula sa video ng Baguio City PIO

Loading…