Kikiligin ka ba kapag nakatanggap ng “ointment at pain reliever” bouquet?

  • Pinag-usapan ng mga netizens ang kakaibang bouquet na maaaring ialay sa irog sa darating na Valentine’s Day
  • Ito ay ang “ointment at pain reliever” bouquet
  • Marami sa mga netizens ang nakita ito bilang mas praktikal kaysa sa bulaklak na nalalanta lamang

Sa tuwing nalalapit na ang pagdiriwang ng Valentine’s Day o Araw ng Pag-ibig, tila masarap sa pakiramdam kapag nakatanggap ng mga regalo, chocolate, stuffed toy, cake, o flower bouquet mula sa taong mahal mo. Hindi naman sa pagiging materyalistiko, subalit iba pa rin ang pakiramdam na naalala kang bigyan. It’s the thought that counts ‘ika nga.

Subalit paano kung sa halip na mga bulaklak ang laman ng pulumpon o bouquet, mga pa-tita moments na ang nakalagay rito gaya ng ointment at pain reliever na kadalasang pinapahid sa mga bahagi ng katawang nananakit-nakit na? Iyan ang pinag-uusapan ngayon sa social media matapos kumalat ang mga posibleng maging malikhain o masining na tema ng mga “budget-friendly” na bouquets na maaaring ihandog sa mga kasintahan sa nalalapit na buwan ng Feb-ibig.

Imahe mula sa Facebook page na Tom sawyer memes / Public Domain Image

Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizens:

“Sana makatanggap din ako nang ganyan sa Valentine’s Day. Bakit ba? Mas praktikal kaya iyan kaysa sa bulaklak na malalanta naman!” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Parang may mensahe na puro sakit ng ulo lang ang ibinigay sa jowa kaya ointment at pain reliever na lang ibibigay hahaha.”

“Okay nga iyan! Lalo na kung sakit lang sa ulo ang jowa, mas tamang ointment nga ang ibigay para maraming suplay hahaha,” wika naman ng isa.

Sa mismong Facebook page ng isang kilalang brand ng ointment sa Pilipinas, talagang makikita na may mga lovers talaga na nagbigay ng ointment at pain reliever bouquet sa kanilang mga minamahal.

Imahe mula sa Facebook page ng Katinko

Sa ibang mga lugar naman, ang kanilang paandar ay money, Yakult, junk food, fried chicken, at mga alchol at hand sanitizers na patok na patok ngayon sa panahon ng pandemya.

Ikaw, handa ka bang makatanggap ng ganitong uri ng bouquet sa Valentine’s Day?

Loading…