Mukbang vlogger sinibak ng Chinese agency matapos nitong sumang-ayon na Korean food ang kimchi

  • Sinibak ng kaniyang Chinese agency ang isang Mukbang vlogger
  • Ito ay matapos nitong i-like ang komento ng isang netizen sa kaniyang latest vlog bilang pagsang-ayon
  • Sinabi ng netizen na nakadidismaya ang mga Chinese sa pagsasabing sa kanila nagmula ang ssam at kimchi

Mukhang lumalala ang “hidwaan” sa pagitan ng South Korean at China hinggil sa kung saang bansa nga ba nagsimula ang sikat na fermented cabbage dish na “kimchi,” matapos sibakin ng isang Chinese agency ang Korean Mukbang vlogger matapos pindutin ang “like” sa komento ng isang netizen hinggil sa claim ng China na sa kanila nagmula ang ideya ng kimchi.

Ang naturang South Korean vlogger ay si “Hamzy” na kilala sa kaniyang “mukbang” o pag-video sa kaniyang aktuwal na paghahanda ng pagkain, at pagkain mismo sa harapan ng camera. Nitong Enero 15, 2021, nag-upload siya ng Mukbang video na may pamagat na “Super Spicy Octopus Bibimbap” na nagtatampok sa white kimchi, spicy octupus, at fried eggs.

Image capture mula sa YouTube channel ni Hamzy

Isang netizen ang nagkomento na “It’s really disappointing coz these days China says that Ssam is theirs too” na ni-like naman ni Hamzy. Napansin ito ng kaniyang mga Chinese subscribers kaya naman inulan siya ng mga masasamang komento at masasakit na salita.

Agad na gumawa ng dispensa si Hamzy, na idinaan niya sa isang live video.

“If Chinese subscribers feel offended and betrayed because I appeared to approve the comment by pressing the ‘like’ button, then I apologize,” saad niya. Sa kabila nito, itinuloy naman ng Chinese agency ang pagkansela sa kaniyang kontrata dahil sa kaniyang nagawa.

Kahit na ganito ang nangyari, pinanindigan pa rin ni Hamzy ang kaniyang opinyon na ang ssam at kimchi ay parehong traditional Korean food, at hindi na mababago iyon.

“If I have to call traditional Korean food as a Chinese food only to work in China, then I would not work in China. Same can apply to Chinese people, they should not call a Chinese food a Korean food to work in Korea,” paliwanag niya.

Public Domain Image

“That I am sure Chinese people can understand well,” dagdag pa niya.

Panoorin ang naturang vlog via YouTube channel ni Hamzy:

Loading…