Kristoffer Martin ipinakilala sa publiko ang 4-year-old daughter

Imahe mula sa Instagram | Kristoffer Martn
  • Ipinakilala ni Kristoffer Martin ang kaniyang anak sa publiko
  • Alam daw ng kaniyang mga kaibigan sa show business ang tungkol sa kaniyang anak
  • Ninong at ninang nga raw ng kaniyang anak sina Alden Richards, Rodjun Cruz, Bea Binene, at Thea Tolentino

Isa nang proud daddy ang Kapuso actor na si Kristoffer Martin.

Emosyonal ang naging pag-amin ni Kristoffer na mayroon na siyang apat na taong gulang na anak na pinangalang Precious Christine o Prè.

Paliwanag ng aktor, bagama’t hindi niya ito kaagad inamin sa publiko ay hindi naman niya ito inilihim sa mga kaibigan sa industriya. Sa katunayan ay ninong at ninang pa nga ng kaniyang anak ang mga kapwa GMA artists na sina Alden Richards, Rodjun Cruz, Bea Binene, at Thea Tolentino.

“Hindi naman kasi ako malabas ng personal e. If you are going to search doon sa mga account ko, talagang sobrang kaunti lang ang makikita mo sa personal life ko. That’s me. Alam ko kasing i-balance ‘yong work ko sa personal life e,” aniya.

Nais niya rin daw na ibigay kay Prè ang privacy nito.

Imahe mula sa Instagram | Kristoffer Rosales

Kahit pa hindi nag-work ang relasyon nila ng ina ni Prè ay ginagampanan niya raw ang pagiging ama rito. “We talked about this and nag-usap talaga. I won’t go into details kasi hindi naman na dapat sabihin. Hinding-hindi ko pababayaan si Prè. Hindi niya mararamdaman na nawalan siya ng tatay, na nawala ako doon.”

Sa ngayon ay kasama ni Prè ang kaniyang mommy sa Olongapo kaya naman namimiss daw ni Kristoffer ang kaniyang anak.

Masaya si Kristoffer na naibalita niya na sa publiko ang tungkol sa kaniyang anak. Malaya na rin siya ngayon nakapagbabahagi ng larawan ng mga larawan ng kanilang father and daughter bonding.

“I am happy. Itong kay Prè, sobrang tagal ko nang gustong ilabas. Sabi ko, ‘Lord, pahingi ng sign’… Proud ako na nagawa ko ito kasi she deserves this,” sabi pa niya.

Source :

GMA News

Loading…