Kuripot” nga ba ang mga Ilokano?

  • Pinag-usapan ng mga netizens ang tipikal na “stereotyping” sa mga Ilokano
  • Ito ay ang “kakuriputan” o mahigpit na paggastos sa hawak na pera
  • Ayon sa isang netizen, may kaibahan ang kuripot sa matipid at masinop sa pera; hindi naman daw maramot ang mga Ilokano pagdating sa pagtulong sa kapwa

“Ang mga Ilokano nga ba ay kuripot?”

Iyan ang sinikap sagutin ng isang netizen na nagngangalang “Tom Ong” sa Facebook page na “Memories of Old Manila” matapos niyang magbahagi ng larawan ng “Ang Batuhan” ng Kapurpurawan, Burgos Poblacion, Ilocos Norte.

Nabuksan ang usapin hinggil sa kung totoo nga bang kuripot o mahigpit sa paggasta ng pera ang mga Ilokano. Tinawag niya itong “proverbial anecdote” ng Pilipinas.

Public Domain Image

“Ang Ilocano ay kuripot at matipid ayon sa isang proverbial word sa Pilipinas. Noong unang panahon, ang Ilocos ay sakahan. Ang ikinabubuhay ay pagsasaka na isang beses lamang umaani sa isang taon.”

“Umaasa lamang ang mga Ilocano sa kanilang inani sa loob ng isang taong na ibinibenta nila para magkapera.
Ang ibang ani ay tinitipid ng Ilocano para sa ikabubuhay sa loob ng isang taon.”

“Madalas pa ang tagtuyo sa sakahan sa Ilocos na ikinaluluoy ng tanim. At pinahirapan pa ng mga Kastila sa monopolyo ng tabako ang mga kababayang Ilocano.”

“Ito rin ang nag-udyok sa mag-asawang Diego at Gabriela Silang na mag-aklas laban sa mga Kastila. Dahil taghirap ang Ilocos noon ay hindi rin makapaghanda sa anumang piyesta at okasyon dahil walang-wala talaga noon.”

Ang mga kababayang Ilokano ay totoong lumuluha sa hirap ng buhay sa Ilocos noon at ang bawat matitipid para mabuhay ay gagawin, aniya. Kaya naman natuto umano ang mga Ilokano na maging masinop sa paggastos ng kanilang pera. Ang tamang termino dapat ay matipid at masinop; hindi kuripot.

Public Domain Image

“Ngayon ang mga Ilokano ang mayayamang Pilipino sa ating bansa at sa ibang bansa at napakaheneroso. Ang totoong kasabihang ang Ilokano ay kuripot ay mas tamang sabihing masinop sa buhay at hindi maramot sa pagbibigay,” saad pa niya.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Matipid lang po ang mga Ilokano pero ‘di kuripot at maramot. My late grandfather is an Ilocano and I am very proud of it,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “If the whole Filipinos would all take on the Ilocano virtue of thrift, the Philippines would be rich.”

“Noon unang panahon lang iyon, at iyon ay na-retain sa kaisipan ng marami pero ngayon hindi na. Anyway, may kaibahan sa kuripot, masinop at matipid at karamihan sa mga Pilipino ngayon ay iyong tatlo dahil sa pandemic,’ pahayag naman ng isa.

Public Domain Image

Sana, mawaksi na ang “stereotyping” sa mga rehiyon sa Pilipinas, para masaya lamang ‘di ba?

Source :

Facebook

Loading…