Kuya Wil mamimigay ng P60K sa bawat tatawagan sa kaniyang 60th birthday

Screenshot mula sa Wowowin YT video
  • Mamimigay si Kuya Wil ng tumataginting na P60,000 sa bawat matatawagan niya sa Enero 27
  • Ito kasi ang kaarawan ng Wowowin host kaya mamimigay siya ng cash sa mga masuwerteng makatatanggap ng tawag
  • May pakulo rin si Willie para sa mga subscribers ng Smart, TNT at Sun Cellular na gustong makasali sa ‘Pera o Kahon’

Masuwerte ang mga taong matatawagan ni Willie Revillame sa Enero 27 dahil automatic na makatatanggap sila ng tumataginting na P60,000 kapag nasagot nila ang tawag ng Wowowin host.

Ipagdiriwang kasi ni Kuya Wil sa nabanggit na petsa ang kaniyang ika-60 na kaarawan kaya espesya ito sa kaniya.

Screenshot mula sa Wowowin YT video

Ani Willie sa kaniyang programa noong Huwebes, regalo niya ito sa kaniyang mga fans at manonood dahil ‘bawal’ daw na siya ang regaluhan sa kaniyang birthday.

“Tatawagan ko kayo sa Wednesday, January 27. Bawat tawag meron kayong makukuhang, eto, P60,000 cash!” anunsiyo ni Kuya Wil sa Wowowin.

Maliban dito, mayroon pang pakulo si Willie para naman sa lahat ng subscribers ng Smart, TNT at Sun Cellular.

Kailangan lamang magregister at mag-text ng birthday greetings sa kaniya gamit ang mga number ng nabanggit na mobile providers at ang mapipili ay magkakaroon ng tsansang makapaglaro sa ‘Pera o Kahon’.

Screenshot mula sa Wowowin YT video

Maaari nang magsimulang mag-text simula sa Enero 15 hanggang Enero 27 nang hapon.

“Pumunta lang po kayo sa Wowowin Facebook page para sa kumpletong detalye ng ‘Pera o Kahon’, o ang promo po naming nandun,” ani Kuya Wil.

Nilinaw rin ng Wowowin host na hindi pipiliin ang makasasali sa promo sa comment section ng Facebook page kung hindi sa mga text na naipadala sa kanila gamit ang Smart, TNT at Sun numbers.

Panoorin ang buong video para sa gustong suwertehin at makatanggap ng regalo mula kay Kuya Wil at sa Wowowin:

Loading…