Laban kay Ryan Garcia baka ‘exhibition game’ lang – Pacman

Imahe mula sa Facebook
  • Pinabulaanan ng kampo ni Pacman na selyado na ang laban ng senador kay Ryan Garcia
  • Ito ay matapos ianunsiyo sa social media ni Garcia ang laban niya umano kay Pacquiao
  • Gayunpaman, kinumpirma ni Pacquiao na magbabalik siya sa ring ngayong taon

Itinanggi ng kampo ni Senador Manny Pacquiao na selyado na ang laban ng ‘Pambansang Kamao’  sa Amerikanong si Ryan Garcia. Kasunod ito ng pag-anunsiyo sa social media ng 22-anyos na ‘rising star’ ng boxing na makahaharap niya sa ring ang Pinoy champ.

Sa panayam kay Pacman ng ABS-CBN News, bagama’t kinumpirma niyang magbabalik siya sa ring ngayong taon ay hindi pa umano sigurado kung sino ang kaniyang makakaharap.

Screenshot mula sa ABS-CBN News video

Pinaplantsa pa raw ang detalye ng kaniyang susunod na laban at nakatakda itong isapubliko ngayong linggo.

“We’re going to finalize it this week at ‘pag na-finalize na lahat, we will announce kung sino ang makakalaban natin,” ani Pacman

Nang tanungin kung may napili na ito, sagot ng People’s Champ, “Kahit sino naman. Andiyan pa rin si (Terrence) Crawford, (Errol) Spence, nandiyan si (Ryan) Garcia… Garcia, ano lang ‘yan, parang exhibition lang…”

Napatawa pa si Pacquiao matapos sabihing halos kasing-edad lang ng kaniyang anak si Garcia.

Pacquiao vs. Thurman, 2019| Imahe mula sa Bad Left Hook

“He’s like my son. But, anyway. That’s good. So I can [be] like a professor,” dagdag pa ng 42-anyos na senador.

Sa isang hiwalay na pahayag, pinabulaanan din ng assistant ni Pacquiao na si Jayke Joson ang lumabas na balitang laban ni Manny kay Garcia.

Ani Joson, walang pag-uusap na nagaganap sa pagitan ng kampo ni Garcia at ng Paradigm Sports Management, ang promoter ni Pacquiao.

“Sila magsasabi kay Sen. MP kung sino ipapalaban nila. That’s the only time mag-start conditioning then training si Sen. MP. Hindi sa post diyan sa social media,” paliwanag ni Joson.

Screenshot mula sa Instagram ni Garcia

Basahin: Ryan Garcia claims he’s fighting Manny Pacquiao next

Magugunitang nitong Lunes ay masayang ibinalita ni Garcia sa social media ang kaniyang napipintong laban sa tinagurian niyang ‘legend’ sa boksing.

“A dream turned reality. It’s an honor to share the ring with @mannypacquiao. I will always respect what you did in and out the ring. Here’s to the best man winning,” ani Garcia sa kaniyang Instagram at Facebook.

Noong Hulyo 2019 pa ang huling laban ni Pacman kung saan tinalo niya si Keith Thurman sa isang split decision para makuha ang WBA super welterweight title.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ryan Garcia (@kingryan)

Loading…