Lalaking nagsimulang mag-bike sa gitna ng lockdown, ibinahagi ang weight loss journey

Imahe mula sa YouTube | Wilson Encina/PinoyMD
  • Nakatulong para sa 35 anyos na si Wilson Encina ang pagbibisikleta
  • Bukod sa nakatitipid siya sa pamasahe ay nakatulong din ito upang mabawasan ang kaniyang timbang
  • Noon ay 190lbs si Wilson at ngayon ay 150lbs na lang ang kaniyang timbang

Mula nang isailalim ang bansa sa quarantine dahil sa COVID-19 pandemic ay naging limitado ang pampublikong transportasyon na maaaring gamitin ng mga mananakay.

Ito ang dahilan kung bakit naisipan ng 35 anyos na si Wilson Encina na gumamit ng bisikleta upang makarating sa kaniyang trabaho sa Malabon mula sa kanilang bahay sa Valenzuela.

Imahe mula sa YouTube | Wilson Encina/PinoyMD

Kuwento ni Wilson sa Pinoy MD, may bisikleta naman siya kaya naisipan niyang gamitin ito. “Naging malaking tulong sa akin yung pagba-bike kasi dati nagmomotor talaga ako. Sobrang higpit sa motor, ang daming hinihingi and then ang daming check point, ang daming bawal. Tutal may bike ako, nakatambak ‘yong bike ko riyan, nakita ko na magandang gamitin ito,” aniya.

Noong una ay aminado si Wilson na hirap siya sa pagpadyak at limang kilometro pa lamang ay hiningal na siya. Nagsisi raw siya noon at naisip na bumalik na lamang sa paggamit ng motor ngunit pinili niyang magpurisigi.

“Noong first week na nagra-ride ako, nakaka-five kilometers pa lang ako, sobrang hingal na hingal ako tapos ang bigat padyakan. Habang tumatagal, dumating sa point na nagsisi ako. Sabi ko, balik na lang ako sa motor pero sinet ko na yung mind ko na inumpisahan ko na ‘to e. Kailangan tapusin ko ‘to,” sabi ni Wilson.

Imahe mula sa YouTube | Wilson Encina/PinoyMD

Matapos ang ilang buwan, hindi lamang  nakapagpagbisikleta nang malayo si Wilson, nabawasan din ang kaniyang timbang. Kung dati ay nasa 190lbs si Wilson, ngayon ay 150lbs na lamang ang kaniyang timbang.

Ayon sa cycling coach na si Danny Cordero, nakatutulong ang pagbibisikleta sa pagbabawas ng timbang at pagpapalakas ng baga at pus0.

“Sa pagbibisikleta natin, pwede tayong maka-burn ng up to 1,000 calories or more. Depende po yan sa edad at individual na kakayanan at saka yung amount ng tinatawag na lean muscle. Also depende sa intensity or hirap ng pagbibisikleta.”

Tipid na sa pamasahe, nakatutulong pa upang maging healthy ang pangangatawan.

Panoorin dito ang panayam kay Wilson:

Source :

PinoyMD

Loading…